Pusod ni baby

Hi po mga mommies, ilang days bago natanggal pusod ng baby nyo. Currently 16 days na ang baby ko, pero di parin natatanggal pusod nya πŸ˜…πŸ˜Ÿ #advicepls #1stimemom #firstbaby #pleasehelp

Pusod ni baby
68 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sa panganay ko 2 weeks bago totally nawala.. para Kasi saming mag asawa nd Namin nilalagyan ng alcohol pusod nun ni bby. hinayaan lang nmin matuyo.. kawawa Naman Kasi. masakit na nga pusod lalagyan pa ng mas magpapasakit.. Wala tlga kaming nilagay na kahit ano. nd rin sya nababasa ng ihi.. after 2 weeks gumaling din.. ok din itsura ng pusod ng anak ko ngayon.. nd pa sya nasaktan nuon.. syempre dun ako sa nd masasaktan anak ko.. but that time puro instinct ko Ang sinusunod ko Hindi Kung ano Ang sasabihin ng ibang tao Kung sa palagay ko eh makakasakit sa anak ko iniiwasan ko/Namin.. this time masigla Naman Ang anak ko..buhay Naman kahit Hindi ko sinunod mga Sabi Sabi ng iba nuon..

Magbasa pa
4y ago

tama, mga tao kasi kung ano ano ituturo syempre may isip naman tayo, akala nmn kasi nila di tayo makakagalaw kung di nila ituro tsaka di nmn tinatanong opinyon nila minsan talaga nakakairita n yung gnun.

after 10 days, wala akong ginawa sis. iniwasan ko mabasa at makuluban. nung first 3 days si mil nilagyan nya ng betadine tapos nakukuluban nya pa sa diaper which is ndi maganda nangyari dumugo ang pusod at nagkanana kaya umuwi na lang ako with my baby kasi ang hirap makisama sa mga nagmamagaling ayun kapag dating ko sa bahay nalaman ko nagkanana na pusod nya, ayun kaya nilagyan ko ng alcohol once lang then never ko na nilagyan ng kahit ano iniwasan ko lang mabasa o makuluban. sa pamangkin ko naman 70% alcohol within 7 days natangal and okay naman.

Magbasa pa
VIP Member

mommy gumamit ka po ng alcohol 70%. lagyan mo lang maliit na amount sa cotton balls. Yun Yung ipampahid mo sa pusod. para madaling matanggal. Yun Kasi advice sa akin ng nurse. ika 3rd baby ko na po itong pinagbubuntis ko ngayun. at effective talaga Ang alcohol. 3days lang tanggal na. at open air lang dapat. wag lagyan ng tela.

Magbasa pa

Hi mommy para madali po matanggal yun pusod ni baby direct po na buhusan niyo ng alcohol po kasi po pag cottonbads lang po gamit niyo matagal po talaga siya matanggal mommy yun din po ang sabi ng pedia ng baby ko mas maganda direct buhos 😊❀ yun sa baby ko wala pa 1 week natanggal na po siya

Alcohol sa cotton buds lang katapat nyan mommy . Yung baby ko wala pang 2weeks tanggal na. After maligo and sa gabi po. Dapat pati ilalim ng pusod lagyan mo po. At wag po bigkisan para hindi po maging sariwa or mamaga. Pedia po ang nagadvise saken nyan.

pabayaan monalang mommy kc kusa nalang dn po yan matatanggal bsta everyday lagay alcohol gamit cotton buds.. sa baby ko matagal dn un natanggal peru pinabayaan kolang hanggang isang araw nakita ko tanggal na sia..😁😁

I’m earning real cash by simply reading and watching in BuzzBreak! Join me using my referral link: πŸ‘‰πŸ‘‰ https://bit.ly/3oz8jTB πŸ‘ˆπŸ‘ˆ. To earn extra bonus, enter my referral code BB03973734 after you start using it!

sipag lang po paglagay ng alcohol sa pusod ni baby, ako 3 days palang tanggal na kagad. maya't Maya Kasi lagay ko, pag nakita kong tuyo na Yung nilagay kong alcohol sa pusod ni baby lagay ulit ako.

9 days na kay baby noon di parin natatanggal then pagvisit namin kay pedia inexample nya paano. medjo iniikot nya yung puaod pag nililinis. natanggal din nung time na yun.

1 week lng sa baby ko, pedia doc ngtanggal ginupit nya konti nlang ksi nasabit, yung pang spray na babusol madali sya mg dry, kung malapit lng sana tayo bibigay ko to pra ke baby mo.