nakakasama ng loob...

Hi mga Mommies, I have this ate na grabe kung mainis saken kc nga lahat ng kinakain ko sinusuka ko din at humihina na din akong kumain sa dame nya daw kc na anak di daw sya nakaranas ng gantong klaseng paglilihi at sa dame din daw niyang kilalang nagbuntis like me pinipilit ko naman pong kumain talaga puro pa nga healthy foods sa rice lamg talaga ko di nahilig ngayon kaso ang ending sinusuka ko din parang ang lagay kase nag iinarte lang ako sa paningin nya but the truth is eto talaga ung nararamdaman ko ... kahit nga hirap ako kumakain pa din ako cause I need to pero nag gusto ko lang naman maintindhan nya na di naman ako nagiinarte lang.. tapos nung inopen ko sa kanya ung sinabe ng ob ko na its normal lang naman lalo sa first trimester basta ang importante kain pa din kahit pa unti unti lang lalo na sa gantong lihi ko at pagbaba ng timbang ko parang inaano pa nya na mali ang sinasabe ng ob ko at tama sya..

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

misinformed lng po siguro ate mo. wag mo nlang pansinin dhil at the end of the day ikaw pa rin ang naglilihi ikaw ang may baby at sayo nkasalalay ang health ng baby mo☺

Maswerte siya di siya maselan nung nagbuntis. Sana inintindi ka nalang niya. But anyways, hayaan niyo nalang po, wag niyo mg pansinin, iba iba naman kada nagbubuntis.

6y ago

"Bakit nung dimo pa alam na buntis ka di ka naman nag ganyan nung nalaman mo tsaka ka nag ganyan" dyan ako sis naapektuhan ng sobra 4weeks palang nung nalaman kong buntis ako noon talagang wala pa akong masyadong nararamdaman aside sa nahihilo ako lage un lang compare sa ngayon na 2mos na ako kaya nga ako binigyan ng ob ko ng vitamins agad kc nga nagsiselan nga daw ako para diko pa din napapabayaan baby ko.

hayaan nyo n lng po, para di po kayo ma stress ,ako nga po first trimester ko, as in lahat sinusuka ko kahit pag inom ng tubig, iba iba daw po tlga ang pag bu2ntis .

6y ago

same tayo sis, nung first trimester ko kahit tubig sinusuka ko pero nalagpasan ko na naman yun ngayon 😊

hindi po lahat ng pagbubuntis parepareho, yaan mo lang siya, wag kang papa stress sa ate mo at alalahanin mo nalang baby mo. Malalagpasan mo rin ang stage na yan 😊

6y ago

okey lang yan momshie atleast may naisusuka ka kasi may kinakain ka parin mawawala din yan, same tayo first pregnancy ko rin now 😉

kausapin mo ng maayos ate mo sis paliwanag mo lang ng mahinahon..nahndi pareparehas ang buntis staka iwas stress ka din nakaka apekto din kay baby

6y ago

Oo nga sis eh kaso sa ngayon umiiwas na din muna ako ayoko magkasamaan kame ng loob dahil sa maselan ako magbuntis talaga

VIP Member

Iba ibang klase Naman any paglilihi eh . Swerte nlng tlg Yung mga Momsh na hnd maselan...Sana maintindihan Ng ate mo...

6y ago

Yessyy at isa sya don sa mga sinwerte kaso ako hindi eh tas first time mom pa imbes na sya ung mag help saken kc mas may karanasan sya masasakit pa na salita naririnig ko.. buti nalang nakita ko tong apps na to malaking tulong maibsan stress ko .. thankyou sis

been there. parehas tayo mamsh.. ngayon mejo ok nko.. malalampasan mo din yan mamsh..

6y ago

oo nga po eh tiis tiis lang.. thanks mamsh..