negative comments

Mga mommies, how do you deal with negative comments on your babys appearance? Sinasabihan kasi parati ng mom ko na maitim ang anak ko at pisat ang ilong. Di ko alam kung nang aasar lang siya o sinasadya nya talaga. Nakakainis lang kasi , diba baby yan at apo niya... Tapos siya pa itong malakas manglait. Iniisip ko nalang na matanda na kasi siya(53yrs) kaya ganyan pinagsasabi nya.. Pero yung mama(60+yrs) naman ng asawa ko hindi sinasabihan nang mga ganon ang baby ko..

negative comments
156 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan na ganyan din mama ko. Sabi niya, sobrang itim daw ng anak ko, lapad ng ilong, eh babae pa naman. Tapos pinagkwi-kwento pa nya sa ibang tao na ang anak ko daw maitim. Huwag ko daw dadamitan ng maganda yung bata kasi maitim naman. Yung mga kamay lang daw at kuko ni LO ang maganda. Hindi ko na lng pinapansin minsan pero deep inside masakit.๐Ÿ˜ž Sa mismong mama ko pa nanggaling ang mga katagang yun. Madalas niya pa ikumpara sa iba, buti pa daw ibang bata maputi tapos maganda. Yung anak ko daw pangit. Sa lahat kasi ng apo niya, anak ko lang tlga dark ang skin color. Maitim din kasi asawa ko kaya di naman ako magtataka kung bakit maitim din baby girl ko. Manang mana kasi siya sa papa niya. Ang sakit lang na kadugo mo mismo ang mangda down sa anak mo.๐Ÿ˜ž Ignore mo na lang po momsh, kahit nakaka depress din minsan. Magbabago din po kulay niya. LO ko medyo naglighten na ang color nung 5months na siya.

Magbasa pa