Mga mommies, hindi lang mawala sa isip ko kasi, naloko na rin ako ng partner ko. At ngayon, buntis ako. Nakakatakot lang.
Bakit may mga babae na hindi alam dumistansya, I mean, alam na nila na may asawa at anak yung lalaki, pumapatol pa rin sila at nagpapa ano pa sila.
May mga babae din na may jowa na, nakikipag anuhan na sa jowa niya, makikipag anuhan pa sa iba, sa bandang huli, hindi tuloy alam kung sino tatay ng dinadala niya.
Hindi ba sinasadyang pagkakamali yun?
Di ba dapat, umpisa pa lang alam na niya saan lulugar, bakit nag push pa rin siya at sa huli siya magsisisi?
Naka sira na siya ng pamilya, at siste, yung iba, mas matapang pa at ma pride pa.
Bakit parang hindi nila pinapahalagahan yung pagka babae nila?
Hindi ba sila takot magka STD or HIV ?
Hindi ba sila takot na nakasira sila ng pamilya?
Bakit ayaw nila paawat kahit anong pigil at pangaral mo?
Kapag nakakabasa ako ng ganitong stories, di ko maiwasang maawa, pero mas lamang ang galit. Bakit nila nagawa yun sa sarili nila at sa ibang tao.
Nakakaparanoid tuloy para sa ibang babae na matino. Kapag nakatagpo ng ganoon ang asawa o boyfriend nila.