Burp at lungad

Mga mommies, hihingi lang ako ng advice. FTM po ako at 1 month palang si baby. Na stress na kasi ako sa baby ko, nakaka limang palit kami ng damit sa isang oras after nya dumede. Ginawa ko na lahat ng paraan ng pagpapaburp, kaso lumulungad padin sya. Yung lungad nya madami na parang nilabas nya yung dinede nya kaya after non gutom ulit sya.. After dumede, dinadapa ko sya sa dibdib ko kaso malikot sya kaya naaalog o naiipit tyan nya kaya lumulungad.. Tinry ko nadin syang ilagay sa balikat ko, padapain sa hita, lahat na ginawa ko. Minsan nagbuburp sya pero sabay din nun ang paglungad nya. After burp, ibababa ko sya after 10min pero lulungad padin. Nagpalit nadin kami ng formula milk from Nan optipro - Enfamil - tapos ngayon Similac Tummycare as prescribed ng Pedia nya. Kaso ganun padin eh, kahit breastmilk ko nilalabas din nya. Di ko alam kung sakin ba may problema dahil di ako marunong magpaburp, ginagawa ko naman lahat eh :( Naaawa ako sa baby ko at the same time na stress ako. Malikot kasi sya, mahilig pumalag at magwasiwas ng katawan, di ko alam kung isa din va sa dahilan yon kaya sya lungadin. Salamat sa makakatulong

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

parehas tayo ng baby kasu hindi madalas mag lungad yung baby ko na sa 1hour 5times maglungad siguro pag nagloloko sya ganun pero mga 3times lang sa 3hours siguro. sabe pag naglulungad daw nagpapalaki ang baby. pero ako po kasi pure bf ako. malikot din ang baby ko. may time na hindi ko sya napapaburp .

Magbasa pa
VIP Member

naglulungad c baby kc overfed cguro mommy .. try nyo po iinterrupt ung pagdede nya minsan . padghayin mo sa kalagtnaan ng pagdede nya bago mo ituloy. o kaya kung padedein nyo po sya pakonti konti lng po kht oras oras ka mgpadede wag lang yung masosobrahan sya.