High Risk for Miscarriage Case

Mga mommies high risk for miscarriage ako, maselan ang pag bubuntis and currently 5mos palang ako na nakakaranas ng pre-term labor pain. Tanong ko lang po if normal lang ba o minsan po nakakaranas din kayo na sumasakit ang singet at pwerta, puson o balakang hangang likod sa 2nd trimester? Nag gagamot na ako kasalukuyan pero gusto ko lang makasiguro sa inyo if yung symptomas ko ba ang normal na o hindi pa rin. Salamat

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

for me po sa experience ko, nung nag open cervix ko saka ko naramdaman yang pananakit sa singit, pwerta, balakang at puson. nakunan ako sa first preg ko at iraraspa kasi ako blighted ovum 2nd pregnancy ko inaantay bumuka cervix ko ayan yung naramdaman ko nun kaya alam ko na hindi normal yan. sa kabuwanan mo dapat yan mararamdaman at mafifeel mo na mabigat pag malapit ka na sa due date. ask nyo po sa ob mo at inform mo sya sa mga kakaibang nararamdaman. ngayon kasi ob-perinatologist ang ob ko ngayon, ob for high risk preg. time to time inaupdate kung may unusual na naramdaman at update din kung nagspotting kailan at gano kadami.

Magbasa pa
7mo ago

baka po namisunderstood nyo personal po ako nagpapacheck up sakanya, kaya lang kanina emergency thru fb ko sya kanina minessage kasi wala syang sched sa clinic. bali sa nowserving app ko po sya nahanap, di po kami teleconsult. pinuntahan ko po mismo affiliate clinic nya na nasa details ng nasa app.

VIP Member

Normal po yung masakit sa singit at pwerta po. Pero yung pakiramdam po na parang magkaka dysmenorhea, hindi po yun normal. Kaya pahinga ka lang po talaga. Mag bedrest ka po at kung may contact ka sa ob mo pacheckup ka po if may mga kakaibang nararamdaman mii. Ingat po!

7mo ago

Thank you mommy sa pagreply and pag share ng experience. Sa bed rest ulit oobserbahan kong maiget na dapat mawala na yung dysmenorrhea, kailangan na kailangan ko rin kasi makabalik ng work at single mom lang po

ganya din po ako mi 5 months din po ako nganyon masakit ang puson likod at singit . nag bedrest po ako mi yong sa may balakang ko nilalagyan ko po ng dalawang unan cgru mga 5 min po every morning iwas din po sa mabibigat na gwain at consult your ob po .

I never experienced that during my pregnancy pero naranasan ko yan nung naglalabor na ko. I might be wrong ha, pero looks like it’s not normal. Better get in touch with your OB when in doubt and trust your motherly instinct.

not normal po. sakin masakit puson and likod tapos yun feeling nya parang magkaka-mens ka. possible preterm labor daw sabi ni OB so nagreseta sya ng muscle relaxant and addidional pampakapit

VIP Member

Ako po 6 mos na maselan din singit,pwerta pwet pag sobrang magalaw si bby ko. Balakang hindi pero likod medyo nangangalay. No pain ako sa puson salamat sa Lord kahit on ofd spotting ko.

7mo ago

Naku mi sorry single mom ka pala. Di ko man naranasan yan pero dama ko yung hirap mo. Kapit ka lang at tiwala sa Diyos

talk to your OB about your worries. don't rely sa mga sagot ng mga mommies dto..iba iba katawan ng babae...bka you will be misguided..talk to the professional

mi bedrest ka lang