Hi mga mommies , Gusto ko lang sana manghingi ng advice . Nakikitira kami ng LIP ko at baby ko sa parents ng lip ko , Gusto ko na kasing bumukod . Kahit ano kasing pakikisama mo may masasabi at masasabi pa rin sila sayo . Kahit sa pagpapalaki ko sa baby ko kailangan sila tama kahit against na sa advice ng doctor . Sa totoo lang nakakatamad na kumilos sa bahay na to kasi alam nyo yun yung kada kilos mo may mga matang nakatingin 🙁 , pag may di ka nagawang tama ang dami na agad sinasabi lalo na yung tatay ng lip ko parang babae kung mag bunganga , Yung nanay ng lip ko naman minsan sarcastic na kung kausapin ako , yung mga kapatid naman ganun din mga mabunganga mas ok pa yung ugali ng mga tita at pinsan ng lip ko eh . Sa ugali ng lip ko walang problema sobrang bait nya kaya nga siguro ayaw kami pabukurin ng tatay nya kasi iniisip nya wala na syang mauutusan (lagi nya kasi inuutusan lip ko) pag wala na kami sa kanila. Sinasabi ko na to sa asawa ko , ang sinasabi lang nya ok lang naman daw sakanya bumukod pero gusto nya sariling bahay na nya hindi yung nag rirent lang (pero sa tingin ko reason nya na lang to kasi feeling ko ayaw nya pa iwan pamilya nya). Sakin naman kahit rent lang ok lang basta makabukod lang kami . May trabaho ako kaya lang malayo , nahihirapan ako makabalik sa trabaho kasi ayaw ko iwan anak ko ayaw ko ipaalaga sa pamilya ni lip , like one time pinaalaga ko baby ko (5 months) kasi may pinuntahan ako (iyakin baby ko) pagbalik ko nalaman ko na lang na kung kani kanino na pinagpapasa baby ko ganun kasi sila mag alaga pag umiyak ipapasa sa iba pag di kaya ipapasa din sa iba gusto ko ipaalaga sa mama ko kasi yun matyaga mag alaga lalo na sa apo nung sinabi ko naman kay lip na pag mag tatrabaho na ako sa mama ko ipapaalaga ang sinabi lang nya ipagkakait ko na daw baby ko sa pamilya nya 😢. Sa totoo lang mas nai-stress ako sa bahay na to kesa sa pagaalaga sa baby ko 😢. Pag gusto ko naman marefresh yung utak ko gusto ko matulog sa bahay ng mama ko (malapit lang bahay nila sa bahay ng lip ko) kaya lang ayaw ako payagan ng mga magulang ng lip ko 😢 feeling ko tuloy iba na yung ugali nila kesa dati hindi ito yung nakilala ko sakanila . Ano gagawin ko ? Hihiwalayan ko na ba lip ko? Mabait sya sobra , maalaga pa . di ko lang kaya family nya 😢 , ayaw ko din umuwi sa mama ko kasi nahihiya ako graduate ako pasado pa ng board exam pero nag asawa lang agad ako tapos ganto lang mangyayari nakakahiya magpakita sa mama ko na ganto na nangyayare sakin 😢. Naistress na ako 😢
#advicepls