PPD

Hi mga mommies gusto ko lang magshare coz I cant really share this to my husband and to my parents . Me and my husband are on separated houses as of now kasi ECQ and nasa kanila sya because homebased sya and nandun gamit niya . Umuuwi lang sya once in a month or twice . As a parent of a 7months old medyo nahihirapan pa ako though my son made it a little bit easy kasi di naman sya mahirap alagaan hindi rin naman kasi sya iyakin . But there are times lalo nat tulog na sya feel ko yung pagod na parang ikaw lang mag isa sa mundo wala kang karamay . Di karin maintindihan ng sarili mong pamilya . May isang instance na di ako nakapaglinis kasi medyo nagiging clingy ang anak ko and gusto niya lang dumede and lagi kaming tabi tapos pag umaalis ako.nagigising sya so.di ko nagagawa ang mga gawaing bahay . Napagalitan ako ng mama ko kasi simpleng bagay di ko pa magawa . Ang dami2 na daw nilang nagawa pero ako ni pag lilinis man lang di pa nagawa . Nasaktan ako syempre . Pero tama naman sya di ko na naasikaso . Pero.hindi naman palaging ganun . Nag seself pity din ako . Napapangitan na ako sa sarili ko sa scar dulot ng CS kasi ako ..Na didisappoint ako sa sarili ko sa twing di kami nag uusap ng husband ko . Feeling ko tuloy di na ako maganda sa pangingin niya though always niya naman akong inaassure na maganda ako sa kanya pero i dont think Im happy with that .. Sobrang negative ko and nadedepress nako dahil don . Recently lang din bigla2 nalang nag init ang ulo ko ..Tapos napapasigaw ako sa mga pamangkin ko and the end na guguilty naman ako close kasi sila sakin . Nagalit sa akin sister ko para daw akong matanda nag explain ang pamangkin kong isa sinabihan sya na hayaan nalang ako kasi baka dahil sa PPD pero sinabihan lang ako ng sister ko na " WALA KA NG PPD 7MONTHS NA ANG ANAK MO " hindi ka prinsesa sa bahay nato umayos ka .. Ang sakit lang na kahit kadugo mo na nga di ka parin maintindihan ang hirap2 ng ganito . Pagod na pagod nakong maranasan ang ganitong hirap . ? PS. Nag sshare lang po ako ..Please ayoko po ng mga mean comments . Sobra2 pa yung mga mean comments na sinasabi sakin sa personal ..Wag nalang po dito ...

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mahirap po kasi pag wala kayong sariling bahay at nakikitira kayo sa bahay ng relative nyo ang mapapayo ko lng po magsumikap kayo ng asawa mo na magkaroon ng sariling bahay para mabawasan ang depression mo. Nakaka stress namn po tlaga pag me laging naninita sayo konting maling kilos mo lang.

5y ago

Yes po actually sinisimulan na po ang pag papagawa namin ng bahay . Kaso dahil nga ECQ medyo mabagal ang process . Thank you po

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-2005115)

Praying for u po ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

5y ago

Thank you po