βœ•

12 Replies

Hi Momshie, Una po, ikaw ang pumayag before na willing ka mag pa convert (shempre yung ang inaasahan ng MIL mo sa'yo) but then sabi mo kasal na kayo ng husband mo na INC (ibig sabihin natiwalag na siya). So si baby ay hindi pwedr ihandog sa INC not unless makapag balik-loob ang asawa mo at mabautismuhan ka sa INC. Ang concern mo kasi us is devoted catholic kayo.. maraming devoted catholic na nagpapa convert kasi nga naunawaan nila ang aral sa loob ng Iglesia. I advise you na sana makinig ka ulit sa doktrina and ang pagsamba naman ay 1 hanggang 2 oras lang sa isang linggo. Maniwala ka mas mapapabuti ka, kayo ng asawa at anak mo pag napa anib ka sa INC. πŸ˜‡ hindi naman kami nag aaya ng masama, para sa kabutihan at kaligtasan ng tao yung pinag aanyaya namin. after mo makinig ng 25 lessons at hindi mo pa rin naunawaan saka ka magdesisyon na dika talaga mag a INC. (yung 25lessons, 20 to 30mins lang yun per day) bilang pag galang sa MIL mo at family ng husband mo pls give it a try. actually napatunayan naman n ng asawa mo na mahal mo ka niya nung pinakasalan ka. di hubby kaya natiwalag kasi ang totoong dahilan matigas ang ulo, although alam niya aral sa INC nagpatiwalag pa rin dahil sa'yo. But mind me, mapapabuti ka pag nagdesisyon ka ng buong puso sa pag anib sa INC. lalo na yung anak mo. πŸ˜ŠπŸ˜‡β€ Pray ka momshie. attene ka ng Pagsamba namin this coming Sunday. Ang tagapamahalang pangkalahatan namin ang mangangasiwa thru video streaming mejo may kahabaan pero sana pagtyagaan mo po. πŸ˜‡

Don’t let them control you, yan lang masasabi ko mamsh kasi pag sumunod ka sa kanila na against sa kalooban mo habang buhay mo syang pagsisisihan as long as si hubby supportive sa decision mo go for what you both wanted. Wag natin pilitin ang sarili na mag adjust dahil lang sa gusto nila. Even if it means sumama loob nila ako as mananampalataya naniniwala ako na as long as sumusunod ako sa kalooban ng diyos yun ang pinakamahalaga. For some reason not all inc respects other religion. But as long as you’re happy on what you’re doing don’t let them control you po ikaw po yan at hindi ka nila pwedeng diktahan para sa ikasasaya mo 😌

Well ang masasabi ko lang, kung di kayo kasal sa INC then go, pabinyagan nyo baby nyo sa catholic, explaine mo ng maayos sa mama ng husband mo it's not being disrespectful kung sasabihin mo side mo actually pag galang pa nga iyon na aware ang MIL mo na wala sa puso mo ang INC. At tutal sabi mo di mo tinuloy doktrina mo di rin naman mahahandog yang si baby mo sa INC like what I said isa ring factor di kayo kasal sa loob ng INC. Sobrang strict talaga ang pagiging INC devotion ang kailangan mo para maging tunay na kaanib ka. Goodluck mi.

Naniniwala ako na hindi magiging hadlang sa pagmamahalan ng dalawang tao ang Religion.. kayo ni Mister mo ang magdesisyon Mii at hindi si MIL... ngayon pabinyagan niyo si baby kung saan religion ang napagpasiyahan niyo.. after all si baby naman paglaki niya ang magdedecide ng sarili niya kung ano ang Relihiyon paniniwalaan niya ng bukal sa kalooban niya.. Godbless

kayo dapat mag asawa mag usap nyan.. ang mahirap lang wala kayo magawa kasi nakatira yata kayo sa bahay ng in laws mo. dipende sainyo mag asawa sino mag gigive way.. kung kaya naman kausapin na wala talaga sa puso mo ang pagiging inc wala naman sila magagawa tumitiwalag na din pala husband mo. mag asawa na kayo dapat kayo na nag dedecide nyan hindi na inlaws.

Kung totoong mananampalataya nd kailan man tamarin sa pagdalo ng pagsamba. You have all the time ang hiningi lang is 2 to 3 hrs per week sa panginoon na sasayo pa rin yun. Sundin mo na lang kung anong nasa puso mo kung nakinig ka sa doctrina unawain mo. Mag dasal ka na gabayab ka ng panginoong dios.

INC din poko . :) pero kung ano po napag desisyonan nyo mag asawa go lang po. ☺️❀️

bilang nanay, sayo magmumula ang teaching. whatever religion na gusto mong ipakilala sa kanya depends on what u want and what u believed in. paglaki nya, kaya na nya mamili ng sarili nyang landas kay God. just want to tell u, you are doing great!

Kung may baby na kayo, at kasal kayo. Tiwalag na sya at hindi na siya INC. So wala rin kayo choice, dahil hindi po pwede i handog ang bata sa INC kung tiwalag po sa Iglesia magulang. :)

ALWAYS, pag usapan niyo nu husband mo. Then kapag kakausapin mo na yung MIL mo, dapat kasama yung husband mo. Para alam ng MIL mo na desisyon niyong dalawa yun.

yung inlaws ko keri paliwanagan pero yung ate ng hubby ko grabe mag react bakit daw ihahandog ang baby ko sa rebulto 😒

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles