Madrasta!
Mga mommies, give me a piece of advice how to get along with my step daughters? Pareho kaming widowed 6 years na patay misis nya ako naman, 7 years yung asawa ko. 2 years plng kami kaso hindi ko pa masyado kilala mga anak nya noong nasa abroad ako nagpapadala naman ako sa kanila ng mga gusto kong ibigay sa kanila. Okey nman noong una kaya lng noong nagsama na kami ng father nla dun na cla parang naghahanap sinusumbatan yung tatay nla na wala ng time sa kanila. By the way malalaki na naman cla 23,20,16 at 13 may anak din ako 2 babae 16 at 14. Syempre nasa akin tatay nla kasama namin ng mga anak ko. One time nagpost ako sa FB noong recognition ng 2 kong anak kasama namin yung asawa ko sa photo tapos nagcomment yung panganay buti daw sa amin nagpunta tatay nla sa kapatid daw nla hindi dumating. May reason kase kaya ayaw pumunta ng asawa ko kase nasa side ng mother nla cla ngayon nakagalit ng tito nla asawa ko kaya ayaw pumunta duon. Yung skin lng medyo naooffend ako sa sinabi nya kase parang pinapalabas nga na nilalayo ko tatay nla sa kanila. Duon na nagstart na ka-gap kami ng mga bata nagtampo ako sa kanila kase wala naman akong pangit na pinakita sa kanila. Mga 1 year din hindi ako nakipagcommonicate sa kanila. Humingi naman ng sorry yung 2 panganay pero masama ang loob ko parang nawalan na ako ng ganang makipag-usap sa kanila. Paano ba dapat ihandle ang mga ganito at paano maiiwasan ang selosan? Thankz po.
Delicate as a doll