Ligo after child birth
Mga mommies, gaano katagal o ilang araw bago kayo naligo after nyo manganak? Ung nanay ko kasi sinasabihan ako na pagka panganak ko daw 1 month daw akong hindi maliligo, punas punas lang at hugas kipay lang daw para hindi mabinat. Hindi pa naman ako sanay ng ganun lalo na pag napawisan ako gusto ko iligo. Pls enlighten me. Thanks. #1stimemom #pregnancy #firstbaby #advicepls #theasianparentph
after few days pwede na po,sa chinese po naniniwala talaga sila sa mga lamig2 kaya 1month talaga silang walang ligo even inom ng malamig na tubig,pero for hygenic purposes po ligo pden,kahit warm bath,tapos medjas lang lagi para di ganun pasukin ng lamig ang katawan since napaka streanuos ng panganganak,lahat ng energy natin naibuhos ntin sa delivery mg baby,kaya ung ibang pores siguro sa katawan natin is open padin,para lang ingat din,medjas and mabilisang ligo,tapos iwas muna sa cold drinks
Magbasa paSa case ko po mommy after ko manganak, 3days bago ako naligo kasi kasabihan daw yon ng matatanda na after manganak mga 1week or 2weeks bago maligo. Pero ako hindi ako sumunod sa utos ng nanay ko dahil naiirita ako sa katawan ko ang lagkit ko na at talagang maasim na haha. Kaya ang ginagawa ko nagsha-shower ako sa umaga at gabi ng dahon ng bayabas pinapakuluan ko lang. Sabi din naman ng OB ko before kami lumabas na pagkauwi, pwede na maligo.
Magbasa paKng kailan kaya mo nang tumayo mag isa sa cr momsh. Ako nun, 3 days. Sa pilipinas lng naman ata may paniniwala na 1 month wg maligo. Pero dami na mommies ngyn na naliligo agad wala naman nangyyari na masama. So i suggest ligo layo agad kng kaya nyo na po lalo na kng may tahi sa normal delivery or cs
ganyan din sabi ng matatanda dito sakin pero ung OB sabi ok lang daw ako maligo agad after manganak.. two days after delivery pa lang ako nakaligo kasi wala shower dun sa room ko sa ospital and after two pa lang ako nakauwi kasi hinintay ko madischarge si baby
Ako 7-10 days punas punas lang kasi nagpapahilot pa ako after ko manganak. Then sa huling araw ng paghilot sakin, pinapaliguan ako ng manghihilot. Warm water na may kasamang mga dahon dahon 😁
cs po aq last time at naligo na aq sa hospital pa lang bago idischarge ng doctor.. it was the doctor's order nmn. i never believe in pamahiin talaga. pro nasa iyo naman po yan kaung susundin m..
elective cs... naligo nako 3 days after..bewang pababa at nag gugo ng buhok.. basta di lang binasa ung tahi ko.. then pagkalipas ng one week pagkaalis ng bandage gora ligo whole body..
week Lang po un magpapaligo ka po sa manghihilot or ngpapa anak dati..dto kasi samin sa province pinapaliguan kami ng maligamgam na may kasamang mga dahon2
Ako non. Normal delivery lang. 1week bago ako naka ligo. . As per my mom. But its ok. I didn't mind at all nag sponge bath lang din ako for that 1week :)
Ako mommy wala pa po 1 week after manganak naligo na po ako kase advise din po ni OB na pwede naman na maligo kahit warm water and quick bath lang
3X Belly Birth Momma•?• Proud Padede Momma