KUKUHA NG KASAMBAHAY O HINDI???

Mga mommies gaano ba kahirap mag-alaga ng baby??? Newly wed kami ng hubby ko at nabuntis agad ako 3 months after namin ikasal. Maliit lang ang bahay namin,dating 2 rooms pero pinatanggal namin division at ginawang isang kwarto nalang para lumaki. 6 months na tiyan ko at sabi ng MIL ko e kumuha na daw kami ng katulong para makapaghanda na sa panganganak ko kahit stay out lang daw kasi wala naman na kaming extra room. Para sa amin ng asawa ko tutal nasa bahay lang naman kami pareho araw-araw(may business po kami) ayaw na namin ng kasambahay kasi naiilang kaming kumilos na may ibang tao sa bahay. Pero sabi ni MIL mahihirapan daw kami kung walang kasambahay,isa pa wala din po ako alam sa pag aalaga ng bata, bunso din po kasi ako, youtube watching lang po ako para matuto hehe. Malayo din po kami pareho sa mga family namin kaya hindi rin nila kami matutulungan. Lahat ng gawaing bahay ginagawa ko except paglalaba,May naglalaba po sa amin weekly. Iniisip namin kung susundin si MIL pero iniisip namin kaya nga ng iba ,so siguro kakayanin din namin na kami lang mag-asawa. Ano sa tingin niyo mga mommies? paadvice naman po. 23 yrs old ako & 24 naman si hubby.

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Para sa first-time mom,mahirap talaga. As in. Lubusin niyo na ang pagtulog ngayon kasi once lumabas si baby, iexpect mo nang magiging sleep deprived ka.🤭 It's better na kumuha ka ng kasambahay na gagawa lang talaga ng mga gawaing bahay, ikaw ang magfocus sa baby. Kakatakot kasi magpaalaga sa iba, sa totoo lang. 😅 Btw, good luck! Kaya mo yan. 😊

Magbasa pa