KUKUHA NG KASAMBAHAY O HINDI???

Mga mommies gaano ba kahirap mag-alaga ng baby??? Newly wed kami ng hubby ko at nabuntis agad ako 3 months after namin ikasal. Maliit lang ang bahay namin,dating 2 rooms pero pinatanggal namin division at ginawang isang kwarto nalang para lumaki. 6 months na tiyan ko at sabi ng MIL ko e kumuha na daw kami ng katulong para makapaghanda na sa panganganak ko kahit stay out lang daw kasi wala naman na kaming extra room. Para sa amin ng asawa ko tutal nasa bahay lang naman kami pareho araw-araw(may business po kami) ayaw na namin ng kasambahay kasi naiilang kaming kumilos na may ibang tao sa bahay. Pero sabi ni MIL mahihirapan daw kami kung walang kasambahay,isa pa wala din po ako alam sa pag aalaga ng bata, bunso din po kasi ako, youtube watching lang po ako para matuto hehe. Malayo din po kami pareho sa mga family namin kaya hindi rin nila kami matutulungan. Lahat ng gawaing bahay ginagawa ko except paglalaba,May naglalaba po sa amin weekly. Iniisip namin kung susundin si MIL pero iniisip namin kaya nga ng iba ,so siguro kakayanin din namin na kami lang mag-asawa. Ano sa tingin niyo mga mommies? paadvice naman po. 23 yrs old ako & 24 naman si hubby.

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas ok na kayo mismo ang mag alaga sa anak nyo. Advantage pa nga na pareho pala kayong nasa bahay. Mahirap na kumuha ngaun ng mapapagkatiwalaan lalo sa pagaalaga sa bata. Lahat naman dumaan sa pagiging first time parent. Eventually matututo din kayo. We have two kids. One 4 yr old and one 18months old. Ako lang ang nagaalaga. Wala akong ibang kasama sa bahay. Weekends lang uwi ng asawa ko. Ever since ganun na setup. Mahirap pero kaya naman. Ngaun lang kami nagkasama sama ng matagal dahil sa ECQ

Magbasa pa