KUKUHA NG KASAMBAHAY O HINDI???

Mga mommies gaano ba kahirap mag-alaga ng baby??? Newly wed kami ng hubby ko at nabuntis agad ako 3 months after namin ikasal. Maliit lang ang bahay namin,dating 2 rooms pero pinatanggal namin division at ginawang isang kwarto nalang para lumaki. 6 months na tiyan ko at sabi ng MIL ko e kumuha na daw kami ng katulong para makapaghanda na sa panganganak ko kahit stay out lang daw kasi wala naman na kaming extra room. Para sa amin ng asawa ko tutal nasa bahay lang naman kami pareho araw-araw(may business po kami) ayaw na namin ng kasambahay kasi naiilang kaming kumilos na may ibang tao sa bahay. Pero sabi ni MIL mahihirapan daw kami kung walang kasambahay,isa pa wala din po ako alam sa pag aalaga ng bata, bunso din po kasi ako, youtube watching lang po ako para matuto hehe. Malayo din po kami pareho sa mga family namin kaya hindi rin nila kami matutulungan. Lahat ng gawaing bahay ginagawa ko except paglalaba,May naglalaba po sa amin weekly. Iniisip namin kung susundin si MIL pero iniisip namin kaya nga ng iba ,so siguro kakayanin din namin na kami lang mag-asawa. Ano sa tingin niyo mga mommies? paadvice naman po. 23 yrs old ako & 24 naman si hubby.

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kng prehas nmn po kaung stay @ home parents, kahit hndi na po. Mas ok po na s 1st baby nyo marunong kau mag alaga ng anak nyo. Mbuti nga po kayo hawak nyo oras nyo eh. Mhrap n rin po mgtiwala s pnhon ngaun. And trust me mommy, hnd po mhirap mag alaga lalo na kung anak mo nmn po inaalagaan mo 😉

oo sobrang hirap mag alaga ng bata sa totoo lang, gusto namin kumuha ng katulong kaso parang wala akong tiwala sa iba hehe pero promise ang hirap mag alaga ng bata pero masaya, ako nga mag alaga nalang ginagawa ko hindi ako pinaglalaba hindi ako gumagawa sa nga bahay pero nahihirapan padin ako

VIP Member

Your not young enough anymore..guide lng ng parents ang need mo cgro qng bagong panganak ka need mo tlga may katulong sa bahay kc d nmn pde qmilos ka kagad aq 3 months aq bago kumilos nun..at kung kaya ng budget why not..pra d ka din mahirapan until kaya muna kumilos pra sa lahat👍🏻

Parang mas masarap momsh na tayo mismo mag alaga sa anak natin :) Tutaly business naman pla kayo, nsa bahay lang kayo. Di nio na kelangan umalis ng bahay para mag work. Bakit kukuha pa kayo kasambahay? Mas maganda ung satin masasanay yung anak natin :)

VIP Member

I think kakayanin niyo namang mag-asawa yan. Kasi mahirap na pag nakuha mong kasambahay ay yung nagsstart ng gulo. Di mo kasi alam kung anong klaseng tao yung makukuha mong kasambahay. We learn from experience naman kaya kayang kaya niyo yan Misis :))

Sa 1st weeks siguro Mommy mahirap talaga, dahil hirap kumilos pag buntis. Ako kakapanganak ko noong March 5, sinamahan muna ako ng kapatid ko for 1 week, siya taga laba ng damit ni baby. Pero after nun ako na lahat. Tulungan nalang kami mag asawa.

Kuha ka nalang ng kasambahay sis kung afford nyo. Kasi tama MIL mo mahihirapan ka, lalo kung CS (pero wag naman sana). Ako nga dami ko na katuwang (family members) after ko manganak, nahihirapan pa din ako lalo't naCS ako may nagpapaligo pa sakin.

VIP Member

Kuha ka na lang ng taga linis at taga luto para okay lang kahit stay out sya. Ikaw na mag alaga sa bata. Nakakapagod mag alaga ng baby. Yung extra time mo ilaan mo sa pagpapahinga para makarecover kagad. Afford nyo naman so why not.

Sabi ng tatay ko mahirap daw and need talaga ng yaya. Laki kasi kami sa yaya so I guess NEED po talaga siya. Anim kami magkakapatid, lima yaya namin noon. May taga luto, taga laba, taga linis sabahay then dalawang taga alaga ng mga bata

Kami sa part namin ni hubby ngayon. Kami nalng 2 nag aalaga sa baby namin kasi pinauwi namin ante niya kasi may covid. Unawa at pasensya po talaga sa isat isa. Wag pairalin ang init ng ulo. Kaya niyo yan mie..