KUKUHA NG KASAMBAHAY O HINDI???

Mga mommies gaano ba kahirap mag-alaga ng baby??? Newly wed kami ng hubby ko at nabuntis agad ako 3 months after namin ikasal. Maliit lang ang bahay namin,dating 2 rooms pero pinatanggal namin division at ginawang isang kwarto nalang para lumaki. 6 months na tiyan ko at sabi ng MIL ko e kumuha na daw kami ng katulong para makapaghanda na sa panganganak ko kahit stay out lang daw kasi wala naman na kaming extra room. Para sa amin ng asawa ko tutal nasa bahay lang naman kami pareho araw-araw(may business po kami) ayaw na namin ng kasambahay kasi naiilang kaming kumilos na may ibang tao sa bahay. Pero sabi ni MIL mahihirapan daw kami kung walang kasambahay,isa pa wala din po ako alam sa pag aalaga ng bata, bunso din po kasi ako, youtube watching lang po ako para matuto hehe. Malayo din po kami pareho sa mga family namin kaya hindi rin nila kami matutulungan. Lahat ng gawaing bahay ginagawa ko except paglalaba,May naglalaba po sa amin weekly. Iniisip namin kung susundin si MIL pero iniisip namin kaya nga ng iba ,so siguro kakayanin din namin na kami lang mag-asawa. Ano sa tingin niyo mga mommies? paadvice naman po. 23 yrs old ako & 24 naman si hubby.

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung gawaing bahay po okay naman lalot mahirap kumilos ang bagong panganak. Pero sa pag aalaga ng baby mas okay kung ikaw na lang..mahirap kasi ipagkatiwala s iba ang baby kahit pa sabihing kasama ka naman.

Sa case ko need po ng yaya. Wala po ibang mag aalaga. Dad ko nasa ibang bansa. Mga kapatid ko po nasa school. Ako naman po working plus school pa... Partner ko naman work tas soon babalik na rin sa school.

It's up to u Kung gusto mo ..take notes much better mag alaga Ang nanay kesa iasamo sa iba.. nsa tamang age kana.. pano pa Kaya ung 16 may baby na nakayanan nga ikaw pa Kaya mo Yan trust ur self..

Kakayanin niyo yan, wag niyo na subukang ipaalaga sa iba ang magiging baby niyo. Hindi niyo din alam kung ano totoong ugali ng magiging katulong niyo. Kaya much better kung kayo na lang.

Kaya nyo yan... Basta may washing machine bawas na po ang gawaing bahay, then choice nyo kung buy Ng lutong ulam or luto kayo. Team work is the key πŸ‘ para kayanin nyo.

VIP Member

Kung afford mo ang sahod. okay. Pero ang tanong afford mo ba ipagkatiwala ang bata? πŸ˜‰ Busisain mo lang mabuti ang kukunin mo Momma, kung kukuha ka. ☺️

Kukuha ako lalo n frontliner yung hubby ko ngayon ang busy nla ngayon di p sla mka uwi πŸ˜­β˜ΉοΈπŸ˜’πŸ™πŸ™πŸ’” sana matapos n crisis ngayon

I dont think u need kasambahay. Since nasa bahay lng kau. Kaya niyo yan. Mapapagdagdag gastos lng kau if kukuha p kau.

VIP Member

Kaya naman mommy ng walang kasambahay if both of you stay at home job lang, tulungan lang πŸ™‚πŸ˜‰

VIP Member

Mas magnda kung tayo mismo mg aalaga sa bby.. Oo mhirap pero masaya na sau lumalaki ang baby