48 Replies
Yung older sister ko kumuha sya ng katulong para anak nya nakikita ko ang trabaho ng katulong malake na ang inaalagaan 6 years old na .yung mata ko maobserve kase kaya may mga bagay ako na hindi nagugustuhan. Nagpoop yung bata edi hinugasan nya sa cr natapos na hugasan nagsuot na ng brief at short pagpasok ko ng cr wala palang soap na bukas sinumbong ko sa mom ko sabe ko paano nya hinugasan ng pwet yung pamangkin wala palang bukas na soap. Tinanong ng mom ko ANONG PINANGHUGAS MO NG PWET SA APO KO? ang sagot ni katulong wala po kase walang sabon. Ang point namin kung walang sabon edi sana nagsabe sya sa amin diba ano yun tubig tubig lang pwet wala ng sabon sabon. Pinaulit ng mom ko ung paghugas sakanya kase napakasalaula naman ng ganun dba.
I think you need the most after you gave birth is your mother, para maalagaan ka nya and mag heal ng maayos yung sugat mo if normal o CS delivery ka man saka para may gagabay dn sayo sa lahat ng First Time mo as a Mother :) ako kasi ganon.. working pako dat time pero nung bumalik nko sa work finish na maternity leave ko nag decide na kmi mag yaya naka 3 kuha dn kmi kaso di nag tatagal due to many reasons na dahil dn sa family nila.. Nag stop ako mag work ako lahat2 kay baby and nakayanan ko nman and now magiging 2 na sila due ko sa July and for sure this time need ko na tlaga mag yaya ult. Ienjoy mo muna Motherhood sis masaya and nakakaproud dahil ikaw mismo yung gagawa,gumagawa para lng sa baby mo. Kaya mo yan! gogogo
base sa experience ko khit hindi ftm pero 12 years pagitan mahirap lalo na kapag bagong panganak lang kc ung unang dlwang anak ko ksma nmin biyenan ko sa bahay so may katulong ngaun nkabukod n kmi, kami lang ni hubby ngaalaga sa baby nhirapan ako lalo ikaw lahat sa baby plus may tahi kapa iniingatan kaya 3days lang bago ko manganak ngpasundo ako sa nanay ko kc ung puyat plus di nmn kaya patahanin ni hubby ung baby at takot o di alam paano hahawakan at maliit pa pero after 2 weeks ako sa mother ko basta pag heal lang tahi ko umuwe ndin ako sa ngaun ok nmn 1month 1 week n kmi nkapag adjust na cguro sis first 1montj or 2 months pede ka humanap ng mkakatulong pra din di ka mabinat
Hello momshie...anyway nkadepende din naman yan sa inyu...ako wala din naman alam sa mga gawain sa bahay pero nung nag asawa ako dun ko natutunan lahat...hindi ko rin alam pano mag alaga ng bata ,mag lagay ng diaper,magpaligo pero lahat ng yun natutunan ko...matutunan lng nmn lahat if willing po kayo matuto...but anyway if kukuha ng kasambahay ok lang din naman kung gusto nyo maibsan yung pagod pero sa panahon ngayon mahirap na maghanap ng kasambahay na mapagkakatiwalaan...but anyway nakadepende narin yan sa inyo if c hubby willing tumulong sa gawain bahay ,pag aalaga ng baby o ano pa....ok na kahit walang kasambahay...basta't tulong2 lng.😉
Same tayo, momsh. I'm only 24, but the thing is when you give birth kahit first time mom ka, mag ka karon tayo ng mother's instinct. Wala din akong alam sa pag a alaga but then 9 months na baby ko now and she's smart and healthy and I think I did a great job raising her. Also, maganda din kumuha ng stay out na helper pero don't give her the responsibility to take Care of your child. Bigay mo sakanya yung mga household chores para you can focus more on your baby. Masarap mag palaki ng baby, napaka fulfilling and it makes your heart happy.
If nasa bahay ka lang naman po, mas maganda if ikaw nalang mag alaga kay baby tsaka iba kasi yung nurturing love na galing sa mommy kapag sya yung nag aalaga sa anak nya tsaka mother and child bond nyo na rin yun at the same time. Mabilis lang po lumaki ang babies kaya if may chance, mas magandang tayo nalang yung mag-alaga sa kanila kasi namimiss nating yang ganyang moment. Normal naman pong mangapa sa umpisa eh lalo na at ftm pero for sure makakaya nyo po yun. Yung iba nga po mas bata pa sayo eh pero nakakaya naman nila. :)
Mas ok na kayo mismo ang mag alaga sa anak nyo. Advantage pa nga na pareho pala kayong nasa bahay. Mahirap na kumuha ngaun ng mapapagkatiwalaan lalo sa pagaalaga sa bata. Lahat naman dumaan sa pagiging first time parent. Eventually matututo din kayo. We have two kids. One 4 yr old and one 18months old. Ako lang ang nagaalaga. Wala akong ibang kasama sa bahay. Weekends lang uwi ng asawa ko. Ever since ganun na setup. Mahirap pero kaya naman. Ngaun lang kami nagkasama sama ng matagal dahil sa ECQ
For me hindi po mahirap po magtiwala sa ibang tao po lalo na po sa panahon ngayon. Kame nga po nakahanap kame ng kasambahay para naman po sa lola ko hindi nya pa naalagaan ng ayos laging may palpak nangungupit pa kaya lang pinagbibigyan na ni mama kase mahirap na walang magbabantay sa lola ko yung kinuha namin na kasambahay kakilala pa namin mga 26 years old na sya inampon na din ni mama pati anak at asawa nya para maging stay in lang sya. Pero wala palpak ang nangyare umalis na sya kase nabuntis na 😏
1st-time mother din po ako, 24years old and i can really say na mahirap talaga mag alaga ng baby. Buti nalang nakatira kami sa in-laws ko kaya meron ako kasama mag bantay kay baby pag nasa work si hubby. Mas okay po na mag hire ka ng kasambahay kung afford lang naman pero household chores ang ipagawa nyo sa kanya para makapag focus kayo kay baby. Though mahirap lalo na kung first time.. mag aalangan ka palagi kung tama ba ang ginagawa mo.. but at the same time, fulfilling po mag alaga ng baby 🥰
Kaya mo yan mommy. Ako nga 19yrs old lg nanganak sa panganay ko nuon, ako lg talaga nag aalaga ako lg kasi naiiwan sa bahay. Hiwalay dn kmi ng partner ko nung time na yun. Nakaya ko naman. Siguro natural na lumalabas ang pagiging nanay natin sa anak kahit wala pang experience o walang kahit na anong tulong galin sa iba. Naglalaba pako nun ha. Kapag tulog ang baby ko ko ginagawa ung mga dpat kong gawin. Kaya mo yan mommy. Buti ka nga anjan asawa mo may kasama ka.
Yvette Carla Soriano