23 Y/O pregnant

hello mga mommies! First time mom here :) 4 months preggy na pero di ko po alam pano ko sasabihin sa parents ko. Masyado kasi mataas expectation nila sakin. Ni ayaw nila ko magka boyfriend or asawa in short sobrang strict nila. I don't care kung ano sabihin ng mga chismosang kapit bahay sakin pero yun din ang pinakaayaw nila, ang mabahiran ng madumi image nila. Sobrang natatakot ako sabihin, di nila alam na may boyfriend ako tas buntis pa. Di ko alam kung pano sasabihin kasi ayoko may mangyaring di maganda sakanila. Masyado kong concern sa health nila. :(

67 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I’m also 23y/o. 2months preggy ako nung sinabi ko sa parents ko. And that time nagrereview ako for Pharmacy Licensure. We have the same situation about parents expectation and yung worst part ng sakin, mas mataas expectation ng parents ng side ng partner ko sakin. Hindi ko din alam pano ko sasabihin sa parents ko nun. Pero nung nagkaruon ako ng chance, una kong sinabi kay mama ko since nakakakwentuhan ko naman sya. Takot kasi ako kay papa ko kasi baka bugbogin nya ako pag nalaman nya. As in sobrang negative ng iniisip ko pag sinabi ko na buntis ako. But at the end okay lang naman sa kanila kasi graduate na ako. Yun nga lang wala akong work, and worst, hindi ako nakapasa sa board exam dahil sa selan ng pagbubuntis, hindi ako nakakapagreview ng maayos and bawal magpuyat. Kaya hiyang hiya ako sa side ng partner ko.

Magbasa pa