23 Y/O pregnant

hello mga mommies! First time mom here :) 4 months preggy na pero di ko po alam pano ko sasabihin sa parents ko. Masyado kasi mataas expectation nila sakin. Ni ayaw nila ko magka boyfriend or asawa in short sobrang strict nila. I don't care kung ano sabihin ng mga chismosang kapit bahay sakin pero yun din ang pinakaayaw nila, ang mabahiran ng madumi image nila. Sobrang natatakot ako sabihin, di nila alam na may boyfriend ako tas buntis pa. Di ko alam kung pano sasabihin kasi ayoko may mangyaring di maganda sakanila. Masyado kong concern sa health nila. :(

67 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis! I suggest na sabihin mo sa parents mo kasi malalaman at malalaman din naman nila yan kaya mas maganda ng ikaw mag sabi saka walang magulang ang kayang tiisin ang anak πŸ™β€ saka pwede parin naman maging proud sayo ang parents mo, hindi naman porket nabuntis ka hindi mo na din matutupad yung mga pangarap mo siguro ma dedelay lang dahil mas priority mo na si baby pero hindi hadlang yun para hindi mo makamit mga pangarap mo πŸ™ and always pray to our God, iyan yung number 1 weapon natin dito sa mundo. Nothing is impossible to Him at paniguradong tutulungan ka Niya sis sa sitwasyon niyo ngayon. πŸ™β€πŸ˜Š

Magbasa pa