Hello mga mommies. First time ko pong mag post. I just want to ask advice and help cause i don’t know where to go and what to do. Im just so tired na sa husband ko, im tired of this marriage but i don’t have any choice right now. My problem is that everytime we argue, he used to bring back my past mistakes, or my past relationships. Yung husband ko kasi is perfectionist and feeling banal. Eversince, he really wants a virgin kind of wife. And i kept on telling him na sana di niya nalang ako pinakasalan, kesa naman e sumbat niya sakin habambuhay ang mga naging past relationships ko. Sana naghanap nalang sya nang perfect wife na gusto niya. He keeps on telling me, hindi daw ako dapat magalit or masaktan sa mga sinasabi niya, because he’s telling me truth. The effect on my mental aspect ay nakakabaliw. Ewan ko kung mababaliw ako sa galit sa kanya, or sa mga guilt at galit ko din sa sarili ko. Wala naman akong magagawa ehh, alam kong nasasaktan sya sa past ko, but i can do nothing about it. i cannot undo or change my past. I dont want to live like this anymore, i don’t want to live with guilt, anger and regret. i dont want to live miserable by reminding my past mistakes, i am truly so sick of this life😭 Sometimes, gusto ko nalang hingin sa Diyos na kunin nalang ako ngayun kasi nakakapagod ganitong buhay. Sobrang sakit nyang magsalita. At hindi lang sa relationship namin ang issue ko sa kanya, sa sobrang feeling perfect nya, ayaw niya din mag stay kami nang matagal sa bahay sa family ko kasi bad influence daw ang family ko sa mga babies namin which is reasonable naman sya. Kasi baka daw ma influence mga babies namin nang mga curse words from my parents. Ang hirap nyang pakisamahan sobrang banal nya, iba kasi ang kinalakihan nyang pamilya and thats something na pinagmamalaki nya sakin and yung family ko naman ay iniinsulto nya. He always insult me of my background, of where i came from or what kind of family i have. And sobrang dami kopang issues sa kanya na patuloy naman naming pinag uusapan ang ibang issue. Peru sa past mistakes ko lang yata, yun yung ilang beses na naming pinag uusapan peru wala pa ding pagbabago.