Usapang Pera

Hello mga mommies. Curious lang po ako kung binibigyan kayo ng hubby nyo ng pera tuwing sumasahod sila? Share ko lang din po iniisip ko. Both working kami ng hubby ko. Every 15 abg sahod namin. Estimate na salary is 8k each. Eto po ang break down ng sahod nya: 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga) 2000 budget nya sa work Excess sa mama nya na Eto po budget ko sa sahod ko 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga every sahod po tig 3k kami) 2000 grocery sa bahay since wfh ako 1900 wifi Excess savings namin. Hindi po kasi ako kasali sa budget ni hubby kaya medyo masakit din dahil ako ang asawa nya pero mas nauuna nya pa ibigay ang pera sa mama nya. Kahit po ang budget bya para kay baby di nya po ibibigay kubg hindi ko hihingiin 😔 Ang sakin po okay lang naman po sya magbigay sa mama pero wag naman po lagi (?) Tama po ba? Ilang beses ko na po inoopen sakanya kaya labg dedma lang sya. Nahihirapan po kasi ako magipon. Ang sabi nya noon bago kami ikasal mag iipon kaming dalawa para sa bahay namin (nakatira po kami ngayon sa parents ko medyo nahihiya narin ako kasi tinatanong na din ako nila mama kung kailan namin balak magpabahay.) Any suggestion po or ways para mas mapag usapan namin ng maayos ang hatiaan sa sahod or tama na po yung gantong set up? Please help po. Wala pa kaming sariling bahay neto pano nalang kung bumukod po kami parang ako lahat gagastos 😔

83 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Binigay niya mismo ang ATM sa akin, even before na pareho pa kaming working Pero siya na lang po working. ..gipit kami sa budget per kinsenas po iyan 1000 internet 2000 meralco 1500 helper 2000 gasoline 1300 baon niya 1000 sa kapatid niya 1500 grocery Kapag may sobra, savings

Magbasa pa
VIP Member

Talk to your hubby mami, explain to him. Hindi rin biro ang gastusin lalo na kapag pamilyado na. Hindi rin naman masamang magbigay basta nakaset aside na ang gastusin para sainyo ni baby. Save mam, importante po yun lalo na kapag emergency cases, at least may mapagkukunan ka..

Sakin binibigay lahat ni husband, may alloted allowance lang sya per month. Kung Sino mas mahigpit humawak ng Pera un ung mas nahawak ng money and in charge for the monthly budgeting and expense. We are both working din. We also give assistance to both our sides every month

Sakin sis pinagkatiwala po nya atm nya. Pero aside don may mga extra money sya pero di ko na po ginagalaw. Regarding naman sa pagbibigay sa mama nya. Ako pa po mismo nag sasabi na magbigay sya ksi minsan nkakalimutan nya although di naman po nang hihingi mama nya samin.

Nasakin ang atm niya sa payroll, nasakin ang mga cheke at ako ang namamahala sa joint account namin. Wala lang ako access sa online banking ng payroll niya, hinayaan ko na lang sa kanya yun 😁 Di naman masama magbigay sa magulang nio pero dapat mas malaki ang sayo.

LIP kami ng partner ko wala akong work sa bahay lang ako nag aasikaso.. Pero lahat ng kita nya binibigay nya sa akin.. Humihingi lang sya pagkailangan nya.. minsan pag may extra nagbibigay din sya sa parents nya pero konti lang.. priority nya pangangailangan namin..

Dapat nga mas magbigay kayo kung san kayo naka pisan sis. Kasi kahit papano di kayo na ngu2pahan, walang masama magbigay sa magulang. Kung may sobra. Pro ganyang may mga responsibilidad na kayo mas yun dapat ang pina priority nyo. Kausapin mo sya ng masinsinan.

Pagusapan nyo po yan..yung lip ko kasi kusa nya binibigay matic na pag sahod nya bigay nya agad sakin laht kasama payslip tas ako na daw bahala magbudget..tas sinasama ko sa sahod ko...ako taga breakdown ng mga bayarin at mga panggastos sa mga groceries..

Parang medyo off nga na yung dyan na kayo nakatira sainyo pero dun pa rin sya nagbibigay ng pera sa mama nya. Sana nag aabot rin sya sa mama mo ng pera para hindi naman nakakahiya kasi dyan naman na kayo nakikitira pero maganda talaga pag bukod na talaga.

VIP Member

Ako may hawak ng atm nya at access sa payslip nya. Alam nya kse ako ang may alam ng budgeting dto sa bahay. Kaya ang gwa namin. May ledger kme. Para na tatract nmin mag galaw ng perang pumapasok dto sa bahay. May breakdown kme din ng expensea

Related Articles