Labor or Pushing: Ano ang mas masakit?

Hello mga Mommies! Curious lang if ano ang mas masakit, paglabor or pagpush?

52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Labor ihanda ang sarili para May lakas ka sa pag iri kung masakit subukan mung mag force sa kamay at iyong daliri saken kasi kapag nag coconstruct sinasabay kung pinapapiga/hilot para hindi lahat ng sakit nararamdamn ko sa tyan

Labor.. kasi yan ang pinakamatagal lalo na yung active labor, sobrang sakit 😅😅😅 lahat na ng santo tatawagin mo talaga. yung pushing kasi mabilis lang yun kasi ramdam mo na yung urge ilabas talaga..

2y ago

dalawang beses lang ako naglabor ng slight. mas masakit ang labor at nasabi ko din na first and last ko na ito

Labor mumsh jusq!!! Yung pag ire, hiwa at tahi, wala na di na ako nasaktan. Lalo yung tahi, di ko na naisip or naramdaman kasi nakita ko na si baby. Totoo talaga yung tanggal lahat ng sakit once na nakaraos na hehe.

VIP Member

Labor 😅 Induce labor here due to leaking, at bonggang 12 hours ako nagtiis. Kaya wapakels na ako pag ere talaga basta mawala na yung sakit, sarap sa feeling parang kabag na nawala after tumae HAHAHAHAHAH

labor. hindi naman masakit mag push, kahit gupit or punit hindi mo mararamdaman ang sakit. later on kapag wala na ung effect ng anesthesia ramdam mo na ung sakit ng gupit at tahi. so goodluck.

2y ago

parang dysmenorrhea na x10, sakit tsan,puson,balakang na ngangalay. mga joints sa loob sa cervix masakit. pag umire para kalang natatae.

VIP Member

Labor pero kahit anung sakit di ako nasigaw breathing ginagawa ko 1st tume ako makita ng asawa ko mag labor di sya mapakali labas ng labas di makatingin nag ccp kuno HAHAHAHA

tips lang Basta kapag mag ire ka, inhale at exhale ka Muna then after that Saka mo i ire na para natae kalang walang sounds . ulit ulitin mo lang Hanggang lumabas SI baby :)

Labor mi, though in my case medyo chill lang kahit FTM. 2 hrs lang ako nag labor, tapos 2 ire lang din labas agad. Wala rin tahi na ginawa hahaha hindi ako pinahirapan ni LO 😁

2y ago

Ilang kilos si baby mo nung pinanganak mo sya momsh?

labor 😁 para kang napu poopsie na di mo maintindihan hehe.. parang mahahati yung upper at lower part ng katawan mo..as in lahat masakit sayo

labor po..kc po pagka po push andun padin po ung sakit pero mas naleless po nya ung hapdi at sakit dahil po papalabas napo c baby😊