Asawa/live in partner!

Hello mga mommies! Ask ko lang po sana kung may nakakaranas din po sa inyo ng mga salitang masasakit galing sa partner niyo po?😥 anu po ba dapat gawin? Minsan po kasi pag hindi kme nagkakaintindihan sasabihin niya sakin wala akong kwenta ang tamad tamad ko. Matakaw ako haha ganun po tapos mumurahin niya ako. 💔Nakakawala na po ng gana minsan kasi feeling ko hindi na niya ako mahal.. palagi nalang ako yung may mali sa paningin niya. Hirap kame magkasundo😭😭😭😭

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nakakapagod minsan lalo na if you know na you dont deserved it.Minsan nga iniisip ko if tama ba ang desisyon ko na nagpakasal ako. 3 yrs na kaming kasal, masakit din magsalita ang asawa ko, possesive at seloso kasi sia.hindi ka pwedeng mapatingin sa ibang lalake, sasabihin nia malandi ako kahit wala naman ako gingawa at madami sia sinasabi na masasakit.napabayaan ko na nga sarili ko kasi ang daming bawal, ibang iba ako nung dalaga kesa ngayong may asawa. nkayuko nlng ako pag naglalakad pra wlang matignan. nakakawla ng self respect,maiiyak ka nlng sa tabi, hangang sa nasanay na para d nalang mag away d nalang ako naimik iniiyak ko nalang sa cr. Mas maraming beses akong malungkot kesa masaya, intinutuon ko nlang sa mga anak ko ang panahon ko. cguro eto ang fate ko. Mahirap maging masaya. Nakakamis ang totoong ako madaming what if's pero sa ngayon masaya nalang ako sa mga anak ko.

Magbasa pa
Related Articles