PHILHEALTH CONTRIBUTION
Mga mommies ask ko lang po kung pwede pa din ako maghulog sa philhealth kahit ngayong september o october na at ang due date ng panganganak ko ay Nov? Hindi po kasi ako nakakapag hulog simula magkaphilhealth ako,voluntary o self paying naman po ang apply ko nun sa philhealth at hindi employed. Ngayon plang po balak maghulog dahil kulang budget namin ng asawa ko. Sana po masagot thank you po.

Mii punta ka sa nearest philhealth office para magbayad. Not sure lang kung one year ba need mong ipay. Saken kasi last year, July ako nanganak so mga first week of June nagpunta kami sa office para asikasuhin. January-June lang ang pinabayaran saken. Sobrang bilis lang nman magbayad kasi sa priority lane ka pipila. Plus makukuha mo din kaagad yung MDR mo.
Magbasa pa