Stress free

Hi mga Mommies ask ko lang po kung ano ugali ng mga husband niyo habang pregnant kayo? Kasi yung asawa ko hindi ko maintindihan. 14 weeks pregnant ako bed rest ako since week 6 dahil dinudugo po ako konting kilos lang at kami lang magkasama sa bahay. Wala po siyang trabaho and tinutulungan kami ng parents ko financially. Una pong request ko tigilan na sana pag iinom pero hindi po niya mahinto kaya pumayag nalang din ako kasi baka need niya din maglibang. Second lagi niya ako pinapatulan like pag nainis ako mas inis din siya. Pag galit ako galit din siya. Lagi pa po siya sumasagot ng mga nakakasakit na salita hindi ko na mapigilan na sumakit ang puso ko at magdamdam at ma stress kahit iniisip ko na hayaan nalang. May mga pagdadabog pa po siya na ginagawa. Nasagad na po ako at pinalayas ko siya dahil araw araw nalang ako na stress dahil sa kanya at sumasakit ang tyan at puson ko sa araw araw namin pagtatalo. Ako nag impake ng gamit niya dahil ayoko na po ng stress at ayoko i risk ang safety namin ni Baby dahil ang anak ko nalang po ang meron ako. Naitxt ko na din po siya na hindi ako hihingi ng kahit anong sustento sa kanya basta wag nalang siya papakita samin ng anak ko at pwede niya gamitin evidence yung txt ko para may katunayan siya na hindi siya magsustento. Yun po talaga nararamdaman ko at napag isipan ko ilang araw na. Any advice naman po mga Sis. ??

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mainam naman ginawa mo sis wala ka dpt pagsisihan sa ginawa mo wala naman sya silbi.. gagawa sya ng pamilya nyo peri umaasa sya sa tulong ng parents mo ung iba nga sis matanda na o may kapansanan pa nagagawa pa maghanapbuhay para may makain at d maging pabigat..e sya wala naman sus saka lakaz ng loob nya mag inom inom pa imbes na pagsilbihan ka nya.. naku sis tama lang yan pibalayas mo alisib ang nagpapastress ung txt mo na un balewala un kase kung may kusa sya magbibigay at magbibigay yan kahit pa dumating kayo sa korte may pananagutan pdin sya sayo.. pero tingin ko naman kaya mo sis ng wala sya, mas ok na yan.magpray ka palagi at magpakakatatag lalo maselan pinagbubuntis mo isipin mo sarili mo at c baby

Magbasa pa

Mga ganyang lalaki dapat mas iniintindi taung babaeng buntis lalo iba hormones natin. Mas iritate tau ngayong stage. Lalo bedrest ka dapat inaalagaan ka. Kung ganyan pinapakita nia d ka tinutulungan physically mentally lumayo muna sya. Para mapagisip isip nia kung ano mali nia. Akala mo naman sila magdadala ng hirap ee ndi naman maka react na kala mo sila hirap sa sitwasyon. Kamo magtrabaho na muna sya lalo me anak na kau. Wag mo pamimihisain na hayahay sya, nay responsilidad syang bubuhayin. Kung ayaw nia magtrabaho at kung tuluyan nga syang umalis, hayaan mo na sya! Ibig sabihin ndi pa sua ready sa buhay pamilya. Masisiraan ka lang ng ulo.

Magbasa pa

Mas okay nadin yan mommy same tayo mommy nd nagiinom yung akin kaso nagbago siya wla n siya time saakin. Simpleng bagay nd niya ako maunawaan. Kaya nagadjust kami at same un kapalit nun is wla siya karaptan s bata. Nahihirpan man ako now. Mas nabwasan namn kasi dahil w n siya saakin. Maskit oo pero mas maskit un araw araw kang stresa iiyak buti sna kung nd buntis. Talagang need un baby ang safe muna. Nd ko need ng ganyan klase ng lalake gusto ko un nakikita at pinahahalagahan un best n ginagwa ko. Nd yung akala mo nakikipag gaguhan kulang n magglit ka ng wlang dahilan.. Haays stress ang ibang lalakke s una lang masya.

Magbasa pa

Well on my first trimester ganyan din partner ko. Pero goodthing di syabumiinom or naninigarilyo and may work sya. More on barkada lang talaga gustong gusto nya gumala. Until one day napagod ako nilayasan ko sya. Nauntog siguro yung mokong na yon nung iniwan ko. After that scenario nagtino sya. Di na nya ako pinapatulan. Di na mapagbarkada. Advise lang mamsh. Pag may bisyo and walang trabaho negative na yon. Kasi what more kung nandyan na baby niyo. Kung pag bubuntis palang iresponsable na what more pag nandyan na anak niyo.

Magbasa pa

For me tama lang ginawa mo sis. Kung ganyan na sya na kayo lang, what more kung may baby na kayo. Dapat maging responsible muna sya bago nya kayo balikan. Hindi naman pwedeng habang buhay aasa kayo sa parents nyo, dapat sya ang sumoporta sa inyo ni baby. Mas mahirap makisama sa ganyang tao kasi stress ka palagi at wala kang peace of mind. At kahit may text ka pa na di mo kelangan ng sustento since kasal kayo, may karapatan ka pa din humingi ng sustento sa knya kung gugustuhin mo.

Magbasa pa

Mas ok yan mommy na naging stress free ka na. Wala naman syang naitulong e, nakabigat at nakasama pa nga sa inyo ni baby mo. Pakatatag ka lang po. Kaya yan, maigi din na may support ka pa din nga family mo, bawi ka na lang sa kanila pagnkarecover ka na fully after manganak. Gawin mo na lang po na inspirasyon si baby. God bless po. Pray ka din mommy, for comfort. 💕

Magbasa pa

Unexpected yung pregnancy ko kaya di pa din sawa sa pagkabinata jowa ko. Inom dito, inom doon din ang gawa non. Hinayaan ko nalang tutal wala pa naman si baby non. Pero kapag may topak ako, bilib ako don kasi di niya ako sinasabayan. Ngayong andito na si baby, nag iinom pa din siya pero dito nalang sa bahay. Wala naman akong masasabi kasi mahal niya anak namin.

Magbasa pa
5y ago

As long as responsible drinking naman, why not?

Sorry to hear that. Pero deserve niya yon. Imbes na magpakatatay siya sa anak mo batugan na wala pang kwenta. Sorry for my words. Pero totoo. Wala na nga naiaabot ganyan pa. Kapal ng face magwork siya kamo ng may silbi siya kundi tama lang na lumayas siya. You deserve much better

VIP Member

sorry to say pero walang silbi yang lalaking yan. tama lang talaga ginawa mo momsh. mas better pa na parents mo nalang tumulong sayo. kapal ng muka ng mga ganyang klaseng lalaki.

Nakakahiya naman sa parents mo, sis. Dapat naghahanap siya ng trabaho instead mag-inom. Hindi ba siya nahihiya tatay na siya tapos pinapakain kayo ng parents mo?