Stress free

Hi mga Mommies ask ko lang po kung ano ugali ng mga husband niyo habang pregnant kayo? Kasi yung asawa ko hindi ko maintindihan. 14 weeks pregnant ako bed rest ako since week 6 dahil dinudugo po ako konting kilos lang at kami lang magkasama sa bahay. Wala po siyang trabaho and tinutulungan kami ng parents ko financially. Una pong request ko tigilan na sana pag iinom pero hindi po niya mahinto kaya pumayag nalang din ako kasi baka need niya din maglibang. Second lagi niya ako pinapatulan like pag nainis ako mas inis din siya. Pag galit ako galit din siya. Lagi pa po siya sumasagot ng mga nakakasakit na salita hindi ko na mapigilan na sumakit ang puso ko at magdamdam at ma stress kahit iniisip ko na hayaan nalang. May mga pagdadabog pa po siya na ginagawa. Nasagad na po ako at pinalayas ko siya dahil araw araw nalang ako na stress dahil sa kanya at sumasakit ang tyan at puson ko sa araw araw namin pagtatalo. Ako nag impake ng gamit niya dahil ayoko na po ng stress at ayoko i risk ang safety namin ni Baby dahil ang anak ko nalang po ang meron ako. Naitxt ko na din po siya na hindi ako hihingi ng kahit anong sustento sa kanya basta wag nalang siya papakita samin ng anak ko at pwede niya gamitin evidence yung txt ko para may katunayan siya na hindi siya magsustento. Yun po talaga nararamdaman ko at napag isipan ko ilang araw na. Any advice naman po mga Sis. ??

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

You are a strong woman mamsh. Tama lang yan na ginawa mo. Buti di p kayo kasal., kaya mo yan and ung baby mo n kng maging motivation mo pra mag keep going.

Wag ka papastress mas importante baby mo ngayon. Ganun din ang gagawin ko if ako sayo. Kesa tumagal na ganyan gang sa manganak ka. Stress lang abutin mo.

Tama lang ginawa mo sis. Kapal ng mukha niang hubby mo wala na ngang trabaho lakas pa magsalita ng masama sayo. Mas okay yan para mabawasan stress mo.

Tama lng yun sis lalo n delikado pgbubuntis mo.. Maiicp dn nya Yung part nya bilang Asawa bblik dn Yun ..baby first kc ung Asawa anjn lng ..

ako naman pag nagaaway ksmi lalo umiiyak sumisikip dibdib ko tapos ung puson ko sobrang sakit bat kaya?

Good Job mommy tama lang ginawa mo be strong palagi yung bata mo ang pinaka the best gift sa buhay mo.

Mas okay na un mommy kesa mastress ka lng at manganib si baby sa womb ko. Lakasan mo lang ang loob mo.

I admire your strength, mommy. Mas maige pa na maalagaan ka ng iba kesa ganyan ang kasama mo sa buhay.

VIP Member

sad to hear that po.. pero if you dont mind me asking matagal n po ba kyong kasal?

Good decision iwas stress at Wala Naman pala syang work nagiinom pa.kaya mo yan