Stress free

Hi mga Mommies ask ko lang po kung ano ugali ng mga husband niyo habang pregnant kayo? Kasi yung asawa ko hindi ko maintindihan. 14 weeks pregnant ako bed rest ako since week 6 dahil dinudugo po ako konting kilos lang at kami lang magkasama sa bahay. Wala po siyang trabaho and tinutulungan kami ng parents ko financially. Una pong request ko tigilan na sana pag iinom pero hindi po niya mahinto kaya pumayag nalang din ako kasi baka need niya din maglibang. Second lagi niya ako pinapatulan like pag nainis ako mas inis din siya. Pag galit ako galit din siya. Lagi pa po siya sumasagot ng mga nakakasakit na salita hindi ko na mapigilan na sumakit ang puso ko at magdamdam at ma stress kahit iniisip ko na hayaan nalang. May mga pagdadabog pa po siya na ginagawa. Nasagad na po ako at pinalayas ko siya dahil araw araw nalang ako na stress dahil sa kanya at sumasakit ang tyan at puson ko sa araw araw namin pagtatalo. Ako nag impake ng gamit niya dahil ayoko na po ng stress at ayoko i risk ang safety namin ni Baby dahil ang anak ko nalang po ang meron ako. Naitxt ko na din po siya na hindi ako hihingi ng kahit anong sustento sa kanya basta wag nalang siya papakita samin ng anak ko at pwede niya gamitin evidence yung txt ko para may katunayan siya na hindi siya magsustento. Yun po talaga nararamdaman ko at napag isipan ko ilang araw na. Any advice naman po mga Sis. ??

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mainam naman ginawa mo sis wala ka dpt pagsisihan sa ginawa mo wala naman sya silbi.. gagawa sya ng pamilya nyo peri umaasa sya sa tulong ng parents mo ung iba nga sis matanda na o may kapansanan pa nagagawa pa maghanapbuhay para may makain at d maging pabigat..e sya wala naman sus saka lakaz ng loob nya mag inom inom pa imbes na pagsilbihan ka nya.. naku sis tama lang yan pibalayas mo alisib ang nagpapastress ung txt mo na un balewala un kase kung may kusa sya magbibigay at magbibigay yan kahit pa dumating kayo sa korte may pananagutan pdin sya sayo.. pero tingin ko naman kaya mo sis ng wala sya, mas ok na yan.magpray ka palagi at magpakakatatag lalo maselan pinagbubuntis mo isipin mo sarili mo at c baby

Magbasa pa