Braxton hicks na sunod sunod sa loob ng isang oras
Mga mommies, ask ko lang po if normal ba toh? hard at firm yung tyan ko 26 weeks and 4 days. Tapos nag bbraxton hicks ata ng magkakasunod sa loob lang ng isang oras. Yung tipong naninigas sa isang side mag 2 weeks na din na ganun. Tapos kahapon nagising ako naninigas sya habang nakahiga ako tapos pati yung pempem ko at balakang ko parang naninigas din nawala din naman tapos di na bumalik. Wala naman nasakit sakin round ligament pain lang at yung laging ngawit yung balakang ko yun nasakit madalas kapag mga nakaupo na ko ng 5 mins or nakahiga ng 2 hrs. Eh nag aalala po ako balak ko mag pa check up na sa private clinic yung oby mismo, sa public kasi sa jan 12 pa balik ko tsaka di naman oby natingin sakin MD pa lang. Yung LIP ko pinipilit ako na normal lang daw yun at wag na daw ako gumastos magpatingin. :( Sakin naman gusto ko magkaron ng peace of mind, tsaka iniisip ko kasi baka mauwi toh sa preterm labor. Need your advice po. Nalulungkot ako kasi parang ang dating kay LIP punta lang daw sa ER kapag nag preterm labor na eh diba too late na yun? I mean 6 months pa lang si baby kawawa naman kung lalabas agad. Btw FTM po.
Preggers... team march 2023