first time mom

Hi mga mommies, ask ko lang kung kaya pa maayos yung navel ng baby ko gamit yung bigkis? Nakaumbok kasi sya lalo na pag umiiyak mas lumalabas yung pusod nya, 2 months na sya ngayon since birth di ko sya nagamitan ng bigkis kasi binawal sa hospital pinagpaanakan ko. Thanks sa mag aadvise

first time mom
9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din sa baby ko ngayon.. sabi ni pedia nya, bigkisan daw na may nakalagay na flat object. Pwedeng coins basta malinis. Kaso nag susuka baby ko pag may bigkis. Ang ginawa ko nalang bulak tsaka tape. Yung isang cotton ball pang push sa pusod, then pang lock yung tape.

1 Cotton ball tsaka med tape po momsh.. proven and effective sa 3 sons ko po. Ganyan din yung pusod ng mga anak ko dati, pati po yung 1month old baby ko.

Post reply image

ganyan din po sa baby ko dati sabi ng mama ko di ko daw kasi binigkis pero as time goes by mag 6 months na si baby ko pasok na ung pusod nya

VIP Member

wag mo gagamitan ng bigkis mamsh, kusa siya lulubog, ganyan din sa anak ko nun, pero umokay naman after.

VIP Member

Pwdi po coins momsh ... ebalot mo lng po sa bigkis para nd didikit ang dumi sa sa pusod nya

napacheck up nyo na po ba yan sa pedia nya.? to make sure bago lagyan ng bigkis

pacheck up nyo po muna..pero may iba nakukuha sa bigkis

Gamitin mo un tape na ginahamit sa sugat diko alam name. Hehe

Ganyan sa baby ko until 1 years old niya may dinidikit ako limampiso. Tape ko siya. Ngaun super okay na. Sterile mo muna barya at alcohol