About my eldest daughter

Hi mga mommies! Ask ko lang kung anong dapat gawin kung ang anak nyo na panganay na babae na 11 years old lang na nasa stage of puberty na at an early age ay nagiging pariwara na ang buhay.. Like, nababarkada na sa mali..Naglalayas na pag napapagalitan, nagdadabog at sumasagot na amin at sa lola nya, nakakaramdam na ng depression at gusto na daw mamatay! Jusko, grabe na sya. In just one snap starting nung nagkaroon sya ng period, nagbago na ang lahat. Natututo na ring makipag boyfriend in her age at nahuli ko na nanonood ng same sex video, yung lesbian at babae..Not sure kung out of curiousity or may balak na magtomboy or mag bf ng tomboy.. Nanghihinayang ako kasi, nag iisang anak kong babae tapos ang talino pa man din sa school..Laging achiever..Kahit anong sabi namin, in a nice way man or in a galit way, ganun pa din..Di ko na alam gagawin ko.. ????

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy please don't get me wrong, May I ask, may father ba na kinalakihan yung bata? Kasi you mentioned "you at si lola" lang. Mahirap talaga magpalaki ng anak mommy. may mga stages of development ang mga bata mommy & as a parent, dapat alam natin ang needs ng mga anak natin at certain stages. If hindi ma meet ng mga anak natin ang needs nila, jan po nagsisimula ang problema. Hindi ko po sinasabi mommy ha na may mali sa pagpapalaki. try to check the patterns po. walang perpektong magulang po, lahat tayo may kakulangan dahil na rin sa patterns na nasusunod natin. Now if you think may depression po ang anak nyo at suicidal, mommy please seek help from someone who can help her deal with it. Hindi biro po ang pinagdaanan ng anak nyo.

Magbasa pa

Aw. Nakakalungkot at ayan din kinakatakutan ko para sa baby girl ko. Ang hirap po talaga magpalaki ng anak sa panahon ngayon. Siguro po try niyo momsh, magdate kayong dalawa, ipasyal mo siya at makapagbonding kayo, tanong mo yung mga trip niya para malaman mo din at makita mo kung ano yung mga hilig niya at mas makilala mo siya. Sa totoo lang, kahit magkakasama sa bahay di mo pa din alam or ganun sila kakilala e, lalo kung ano sila outside the house. Pahapyawan mo lang ng mga questions mo sakanya. Wag mo nalang siya bibiglain. Paunti unti lang hanggang siya mismo magopen up. Sana po makatulong. Good luck and pray niyo po si daughter niyo naniguide siya ni Lord sa tamang way. God bless!

Magbasa pa

Mamsh baka kasi masyado nyo na syang napaghihigpitan. Yan din dahilan bakit mas ginusto kong magrebelde nung dalaga ako. Kasi pakiramdam ko wala na akong freedom. Palaging lahat na lang bawal laging lahat mali. Kausapin nyo sya ng maayos mamsh baka kasi hindi kayo nagkakaroon ng open communication ni daughter mo. Saka kapag mag oopen up sya try nyo syang pakinggan and wag nyo pong icocompare yung sarili nyo sa kanya like "nung akondalaga di aki ganyan," kasi pakiramdam nila parang wala na silang nagawang tama. Saka try having some bond time sa anak mo minsan kasi kulang lang sila sa atensyon kaya sila nagkakaganyan. Tas try mong payagan sya minsan sa mga lakad nya.

Magbasa pa

Minsan kc khit ok ung bata....khit hndi gala o pariwara pagnbbarkada s mga maling tao...lumalala ang ugali...nbbuhay ung pangit n ugali...cguro mas ok po kng yyain m po sya s lbas..magmalling...magsimba..mmasyal...magbonding po kau...tpos kausapin m sya ng masinsinan ...kng anu b tlga gsto nia...kng anu mgamkkpagpsya sknia...kng san sya komportable...that way mllaman m o mas mkikilala m po sya....dun kn mkkpagisip kng anu dpat gawin sknia...cguro may problema dn sya n dpat iopen sau kya sya ngkakaganian....hayy naku...goodluck po ...pray lang po mkkaya yan ng pamilya niu....

Magbasa pa
VIP Member

Try to talk to her bakit nya nagagawa un maging open kayo sa isat isa.. Naranasan ko yan sa eldest ko dumaan kami sa ganyang stage. Kinausap ko lang masinsinan try to understand her bat sya ganun i also asked her kung me pagkukulang ba ako bilang magulang sa kanya. Thanks God naaayos naman namin. .. Iba kasi ang era ngayon ng mga kabataan sis.. As much as possible dapat maging open kayo mag ina sa isat isa para di sya maglihim sayo.. And lagi mo sya kamustahin about her daily activities ung parang magkaibigan lang kayo..

Magbasa pa
VIP Member

Baka po hindi kayo close at mas nakakahanap siya ng comfort with her barkadas. Try niyo po kausapin without judging her muna. Kasi kung todo po kayo magagalit sa kanya lalo po yang maglilihim (ehem parang ako dati). Encourage her to open up with you po. Yung mga barkada, boyfriend etc hindi niyo po totally mapapagbawalan pero at least magaguide niyo siya sa mga boundaries at mahelp siyang marecognize yung mga consequences ng actions niya. And pagpray niyo na rin po momsh.

Magbasa pa
VIP Member

Natural lang yan mommy. Guide her po, know her circle. Dapat makilala nyo po mga friends nya, nun kabataan ko matigas din ulo ko, kaya sabe ng parents ko invite your friends sa bahay kesa ikaw ang dumadayo sa ibang bahay. Kaya yun mga friends ko napalapit din sa parents ko, until na may mga kanya kanyang pamilya na kame. Dpo maganda na napapagalitan lage ang bata lalayo loob sayo at lalo gusto tumakas. Pero dapat din ipaliwanag sknya ang tama at mali.

Magbasa pa

try to talk to her momsh.parehas po tayo. g edad at girl din po ang anak ko.everytime na pinapagalitan ko sila or ng papa nila aftee that pag mejo malamig na ang sitwasyon i always talk to her and pinaparealize ko sa kanya kung bakit sya napagalitan at bata pa lang kasi siya itinanim ko na sa isip nya na walang secrets and im not just her mother na ako ung unang bestfriend nya gang huli.make it a point din na alam mo po lahat ng inaacces s nya online

Magbasa pa

Thanks mga mommies.. Nahihirapan din kasi ako mag cope up sa sked ko with them kasi nagwowork kami pareho ng hubby ko...Tatlo na kasi sila, sya yung panganay at sya lang babae..Tapos im currently pregnant pa with our fourth child.. Kaya nahihirapan talaga ako..Stepdad nya yung hubby ko ngayon, lagi syang pinapayuhan..Kaso after a while ganun n naman..

Magbasa pa

labas kayong dalawa mamsh, magbonding kayo magshopping, pa hair-treatment, nail polish, watch movie or kaen sa labas then Communicate, heart to heart talk. 😊 Dasal lang mamsh, everything will be alright.