About my eldest daughter

Hi mga mommies! Ask ko lang kung anong dapat gawin kung ang anak nyo na panganay na babae na 11 years old lang na nasa stage of puberty na at an early age ay nagiging pariwara na ang buhay.. Like, nababarkada na sa mali..Naglalayas na pag napapagalitan, nagdadabog at sumasagot na amin at sa lola nya, nakakaramdam na ng depression at gusto na daw mamatay! Jusko, grabe na sya. In just one snap starting nung nagkaroon sya ng period, nagbago na ang lahat. Natututo na ring makipag boyfriend in her age at nahuli ko na nanonood ng same sex video, yung lesbian at babae..Not sure kung out of curiousity or may balak na magtomboy or mag bf ng tomboy.. Nanghihinayang ako kasi, nag iisang anak kong babae tapos ang talino pa man din sa school..Laging achiever..Kahit anong sabi namin, in a nice way man or in a galit way, ganun pa din..Di ko na alam gagawin ko.. ????

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh baka kasi masyado nyo na syang napaghihigpitan. Yan din dahilan bakit mas ginusto kong magrebelde nung dalaga ako. Kasi pakiramdam ko wala na akong freedom. Palaging lahat na lang bawal laging lahat mali. Kausapin nyo sya ng maayos mamsh baka kasi hindi kayo nagkakaroon ng open communication ni daughter mo. Saka kapag mag oopen up sya try nyo syang pakinggan and wag nyo pong icocompare yung sarili nyo sa kanya like "nung akondalaga di aki ganyan," kasi pakiramdam nila parang wala na silang nagawang tama. Saka try having some bond time sa anak mo minsan kasi kulang lang sila sa atensyon kaya sila nagkakaganyan. Tas try mong payagan sya minsan sa mga lakad nya.

Magbasa pa