Hello mga mommies! Ask ko lang baka meron sa inyong naka-experience na yung baby nila ay nagka-amoebiasis? I have a 10-month-old baby girl and she’s positive again for amoebiasis.
Nilagnat at nagtae po siya (5x) ng watery poop last October 29 (Thursday) and gumaling po siya nung October 31 (Saturday). Natapos din po yung course na binigay sa kanya nung pedia niya na Metronidazole. Once a day na lang po siya mag-poop after nun pero yung poop niya, parang ‘di bumalik sa usual niyang poop. Once a day na lang siya tumae but yung texture ng poop niya is parang katulad ng Gerber.
Then nitong November 10 (Tuesday), nag-start na naman siya magtae (5x for the whole day). May laman ng konti pero yung iba, watery talaga and may mga maliliit na streaks of blood pong kasama and may pagka-mucus din yung itsura ulit. Hindi naman po tumataas ng 38.1 yung body temp. niya on that day. Niresetahan po siya ulit ng Metronidazole (Flagyl) and VitaZinc at yun nga po, pina-fecalysis ng pedia niya. Bale amoebiasis na naman daw po yung sakit niya. When she started taking the Flagyl, unti-unti pong nag-fefade yung blood sa stool niya.
Pinagtataka ko lang is hanggang ngayon po, umiinom naman siya ng gamot niya, pero on and off pa rin yung sinat and sometimes lagnat for the past three days. Hindi naman po siya nagsusuka and kumakain din naman po siya at dumedede. 🥺
Kaninang mga 7:40am po yung last na nilagnat siya and then ‘di na po nasundan. Her pedia requested for CBC (Platelet Count) and Urinalysis so we bought her to the hospital around 4pm. Pag-uwi po namin ng mga 5pm, nag-start na naman siyang uminit (38.3) and as I’m typing this (8:10pm, Nov. 13) wala na naman siyang sinat/lagnat. Hindi pa rin po siya nag-uurinate kaya still waiting pa rin po ako para madala ko na sa lab.
Sa inyo po ba, anong experience niyo sa little one niyo na nagka-amoeba?
#amoebiasis
Anonymous