Atopic dermatitis
Hi mga mommies ask ko lang baka may ma recommend kayo na magaling na pedia dito sa manila. At kung ano ginawa nyo sa lo nyo na may ganyan din. 3weeks old pa lang si baby. Naawa na kasi ko at araw araw pa dami ng padami kasi. Sabi pedia nya mag cetaphil cleanser lang :( Thanks in advance sa makakahelp


yung daughter ko po was diagnosed ng atopic dermatitis/skin asthma 3 months after birth. nagsugat, nagtutubig at parang nasusunog ang face nya kapag masyadong mainit at masyadong malamig, kapag papalit palit ng panahon. una po si cetaphil ang pina gamit samin pero hindi kaya kasi sobrang dry na kaya pinagamit samin physiogel for moisturiser, ung red ang niriseta dahil may mga wounds na rin at oilatum naman ung sabon. ngayon po 10 yrs old na sya at pasulpot sulpot na lang yung sa skin nya. kapag lang nagkakaron sya ng rashes yan lang po ginagamit namin. ang marecommend ko po na derma is sa st. lukes hospital si Dr. Grace Carol Beltran. maxicare affiliated din siya. hope makatulong
Magbasa pa



Mumsy of 2 bouncy little heart throb