vaccine
Mga mommies anu po ginagawa nyo pag binakuhan si baby sa health center nung 5 in 1?para di niya maramdaman ang sakit sa hita.kase pinainom ko na sya ng paraceramol bago kami pumunta health center tas every 4hrs.nilagyan ko din cold at hot compress yun hita nya.pero si baby panay iyak,yung iyak nya ihit na nangingitim kaiiyak.anu pa po ba dapat ko gawin?
Warm compress po muna 15min. Then kinabukasan cold compress na lang po 15min. Din po Ok po yung paracetamol kc for pain din po yan 👍 at normal lang po talaga na maging iyakin kc nga po masakit tlga ang bakuna nya kaya tyagain nyo na lang po sa pagkarga sa kanya tiis lang po talaga after 2days ng bakuna nya ok na po yan
Magbasa paAko mommy pag cold compress, cold compress lang. tapos yung pag compress every 2-3 hours para hindi manigas. Pamassage ng magaan yung compress. Yung paracetamol every 4hours as instructed sa health center kasi umeepek din sya as pain reliever. And syempre hug lagi si baby kasi mas malambing sila pg may turok.
Magbasa paKami ng baby ko mamsh pag 5in1 ang vaccine 24hrs ko syang karga. Sakin sya natutulog nakaupo lang ako. Tyagaan lang at tiis masakit kasi talaga yang pentavalent. Kaya a day before vaccine nya nagpapahinga ako ng todo kumbaga nag chacharge na ako ng katawan. Hot compress mo lang round the clock.
Laruin nyo lang. i’divert nyo po yung attention nya.