Wiwi
Mga mommies ano po ginagawa nyo pag ihi kayo ng ihi naglalagay po ba kayo ng napkin?
Naku mommy, dont use napkin or pantyliner. Dyan mahilig magtambay ang mga bacteria. ๐ Baka magka UTI ka pa. Ako noon, dahil on bed rest ako, at every 15 minutes naihi ako, may kalapit na akong arinola. May naka-ready lagi na tissue. Every hour nagwa-wash ako ng pempem ko at 4x a day magpalit ng panty (na si mudra ang nagpapakahirap maglaba). Gustuhin ko man maghugas every wiwi, hindi pwede dahil bawal ako maglakad ng maglakad
Magbasa paI use pantyliner or napkin kung lalabas lang ng bahay, kasi pag nababahing ako or nauubo, minsan sumasabay ung konting ihi, ang hirap naman kung nasa mall ka then mababasa ung panty mo, pero pag sa bahay lang, cr lang ng cr, iwas UTI na din.
ako inom lang ng inom ng tubig. normal lang po kasi ang palaihi sa buntis. mag nakakasama kasi pag pinigilan mo dahil tinatamad ka lang tumayo magkakaron ka pa ng uti. saka pinagbabawal po yung pagamit ng napkin.
Tyagain mo lang po mag cr ng mag cr maganda po yan na ihi kayo ng ihi indication po yan na masipag kayo uminom ng tubig, pagpatuloy mo lang mamsh and please wag na wag po kayo magpipigil ng ihi.
wala po.. Normal lang naman po kase sa preggy yan, try mo na lang po wag masyado uminom ng tubig kapag matutulog na
baka ma irritate po kapag laging naka napkin ok lang kung pabalik balik kayo sa cr it's part of exercise tho๐
Ihi lang po ng ihi, masama daw magpigil mg ihi ang buntis, tsaka prone nmn sa infection pag laging nakanapkin..
pabalik-balik sa CR moms,ayaw ko mag arenola kasi sanay akong mag wash ng pempem everytime na mag wiwi๐
Ako hindi. Cr lang ng cr talaga. Kahit dyahe. Masama daw kasi kahit panty liner eh nakakacause ng uti.
Ihi ng ihi lang. Haha. Lol. Inadvise din nila yung arinola kaso ayoko maipon naman dun sa kwarto haha