Mga mommies, ano po ba ang dapat kong gawin sa 1 yr old twinboys ko na palaging nagwawala at umiiyak pag hindi naibibigay or nakukuha abg gusto. Grabe tlga kung mag wala. Pls. Help me naman paano ko sila mapapalaki nang hindi makasanayan iyon. They're my first baby kaya no idea p tlga ako. Ayoko naman n mapintasan mga anak ko pag nasa labas kami.

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang yan mommy sa mga toddlers. :) Ganyan din kasi ang baby ko eh. Nandun parin kasi sila sa phase na inaaral palang nilang kontrolin yung sarili nilang emotions. Kapag hindi nila nakuha yung gusto nila, hindi pa nila alam kung ano ang magandang i-respond sa situation kaya ang tendency, nagtatantrums nalang sila. For sure naman, habang lumalaki sila, they will realize kung anong tamang gawin. And as parents, need natin ng mas mahabang pasensya at kalmadong guidance para mas maipaunawa sa kanila na hindi lahat ng bagay na gusto nila, makukuha nila. :)

Magbasa pa