Wala akong gatas ?

Hi mga mommies. Ano po ang effective na pang lactating? Kapapanganak ko lang nung Dec. 5 at until now wala pa rin lumalabas na gatas sa dede ko. Gustong'gusto ko ibreastfeed si baby. Pero wala talagang ni patak na lumalabas. As in wala. Ano kaya ang effective way para magkaroon ng gatas? Please pa advice na man. Ps. 2nd baby ko na ito. Yung panganay ko eh breastfeed. But it is almost 10 years ago na. Sobrang layo ng gap nila kay baka isa yun sa dahilan kaya walang lumalabas na gatas sa akin. Thank you.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Saken po 11 yrs ang gap nanganak ako 1 month ago,akala ko din wala akong gatas sumali ako sa group page sa fb yung breastfeeding pinay marami kang matututunan dun sis.pasipsipin mo lang ng pasipsipin si baby tapos mag laga ka ng malungay sis gawin mong tubig mo o kaya timplahan mo din ng milo sobrang effective po promise bukod sa mag uulam ka ng masabaw,inom ka rin maraming tubig kasi kaylangan hydrated ka sis.2 days pagkapanganak ko may gatas na ko konti tapos derederetso lang yung ginagawa ko.minamasahe ko din breast ko nun saka warm compress,ngayon may enough milk na ko para kay baby.pag di ako nakakapagsabaw nag lalaga lang ako malungay.

Magbasa pa