First time mom

Hello mga mommies, ako lang ba dito yung nag ooverthink na parang hindi ako gusto ng baby ko? Kasi hindi ko siya mapatahan minsan, bihira ko lang sya nahahawakan. Mas gusto pa ata ang lola kaysa sakin. Nawawalan ako nga kompyansa sa sarili kase pag ako yung humahawak iyakin sya, minsan naman okay siya sakin. Hayyyss🥺😩

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes naramdaman ko at naexperience ko yan. yung tipong napapatanong na lang ako sa sarili ko na bakit hnd ko mapatahan anak ko pero ibang tao nagagawa. naiiyak na lang ako talaga. pati asawa ko naaaway ko 😅 kasi nung dinala ko si lo sa byenan ko parang ang dali lang na patahanin si lo samantalagang ako hirap na hirap. pero eventually din naman nagagamay ko na si lo. tyagaan at pasensya lang.

Magbasa pa