Confused

Hello mga mommies. It's actually my experience that I am going to share with you. I'm 21 years old po and 4 months preggy actually turning 5 this July 10 but hindi pa alam nang mga parents ko. I know they will be disappointed pero di ko po alam gagawin ko. When it comes to money, wala po problema kasi ako merong trabaho tsaka yung hubby ko meron din, actually he's a seafarer kaya makakatustos sa pangangailangan ni baby. I'm the youngest among the four of us. Wala pang mga anak yung mga kapatid ko kahit yung panganay namin. And my father and mother are so strict, I know ikakahiya po nila ako kasi naman sabihin nila I'm to young tapos may baby na ako ni hindi pa nga nagkakaanak panganay namin. Baka malaman po nila at palayasin ako sa bahay. Hindi ko po alam gagawin ko. Advise po mga mommies lalo na po sa mga mommies na mga strict jan. Ano pong gagawin ko? Please help. Thank you.

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I'm 26 and currently 3mos pregnant pero hindi padin alam ng side ko na Im pregnant kasi quarantine baby itong nasa tummy ko and gusto talaga ng partner ko na personal sabihin sa parents ko.. and same, natatakot din ako talaga sa reaction nila. Praying for you. :) Wag kang matakot. Wag tayong matakot. Papanagutan naman natin sila at alam natin yun bilang mommy. Wag ka masyado pa stress ha. Masama sa atin yun! :)

Magbasa pa

Tell your parents. It’s your responsibilty na iinform sila kung ano man ang nangyayari sayo lalo na’t alam mong may direct effect sa kanila. Mas mabuti na na pagalitan ka kesa ilihim mo. Parents mo yun eh. Natural lang naman yung “galit”. Pero later naman maiintindihan nila sitwasyon mo, and magiging supportive sila. ☺️ Besides, new member of the family si baby mo. Blessing from above yan. 🧡

Magbasa pa

It's normal lng na at first magalit sayo parents mo even mga kapatid mo. Pero kung hindi ka naman pabigat sa family nyo tulad nga ng sinabi mo na may work ka na mas mabilis lng cguro nla matatanggap ung sitwasyon mo sis. Walang magulang ang kayang tiisan ang anak. Better na ipaalam mo na sknla kc for sure ramdam na yan ng mother mo maybe hinihintay ka na lng nya magsabi. Goodluck !

Magbasa pa

Dapat nun palang nalaman mo na preggy ka, sinabihan mo na agad parents mo. Masasaktan sila, pero di naman nila hahayaan na may mangyaring masama sayo at sa baby mo. Think positive. Nagkamali ka, mapapalo ka at iiyak. Pero at the end of the day, masarap sa feeling yung alam na nila at makakasama mo sila sa hirap na pinagdadaanan ng isang buntis. God bless you!

Magbasa pa

Strict din ang mama ko. 8 weeks pregnant ako nung malaman ko na buntis ako at sinabi ko sa mama ko pagkaalam ko pero ang sabi nya sa akin alam na daw nya. Alam ng mama ko bago ko pa malaman mismo. May mga changes tayo sa katawan pagbuntis at sa case mo feel ko alam na ng mama mo, naghihintay lang siya na ikaw mismo magsabi sa kanya. GodBless sayo

Magbasa pa
5y ago

Actually hindi nya po alam kasi yung belly ko po hindi gaano malaki tsaka nag t-tshirt ako lagi nang malaki kaya di gaano makita.

VIP Member

Para sakn ito yng prob na mabilis sulusyunan kasi nasa tamang edad kana, ang prob mo kasi sis is ayaw mo may masabi sayo keso na una kpa sa panganay nyo , importante dn side ng family mo pero simple sabi mo nga may work ka may work hubby mo so meaning dika ddepende sa parents mo Disapionted comes its natural basta kaya mo manindigan ..

Magbasa pa

Sakin din tinago ko until 7 months ko, nahalata din ni mama, akala ko din papalayasin ako, papagalitan, pero instead they supported me and super happy sila na may baby na kami, ang regret ko is that hinayaan ko na controlin ako ng takot, mas ok na ikaw mismo magsabi sa kanila, be brave sissy, Gpd will come through 😘

Magbasa pa

Kaya mo yan . better na mas mauna ka magsabe kay mama mo kase mas maiintindihan ka nya tapos tutulungan ka non na magsabe sa papa . trust me . kung di mo sasabihin ngaun baka mas lalo silang madisappoint kase nagtago ka sa kanila . mas masarap mag buntis ng alam ng mga maguLang mo .

You have a job. You are adult. You said "husband" so I assumed you are married. Having a child is something to expect with your current situation. What's with the fuss. They might be happy to know the family at last will have an angel. Tell them. You have nothing to be ashamed of.

Adult ka na po saka husband mo naman pala yan. Kaya niyo ring tustusan yung magiging pamilya niyo. Sabihin mo na ganun din naman magagalit din sila kasi nga kamo strict sila para mabawasan na burden sa puso mo. Makaka-stress sa inyo ni baby yan mas magandang sabihin mo na.