Ok ba ang Lying In?

Hi mga mommies. 4 month pregnant here sa first baby ko. Una kong check up was in private hospital pero di ko bet ang ob at narealize ko di ko kaya cost ng panganganak sa hospital na yun. So pumunta ako sa lying in na malapit sa amin, me ob din sya at gusto ko sya dahil komportable sya kausap, natatanong ko lahat, pero ang magpapaanak sa akin dun sa lying in ay mga mid wife. Nung kinukwento ko to sa mga ka officemates ko, sobrang gulat at nagdidiscourage nila ako and even suggested to look for hospitals talaga. Mahirap po ba tlaga manganak sa lying in? Thank you sa sasagoy

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

2 kids ko lying in. Pati itong si baby bunso sa lying in ko din ilalabas. Okay naman sa lying in as long as normal delivery. Kung magkarun ka man ng complications for sure tatawagan din nila yung OB na nakausap mo at kung need dalin sa hospital, dadalin ka naman nila. For me mas okay sa lying in kasi kapag gusto mo na umuwi makakauwe ka na. Unlike sa hospital na minsan tatagal ka pa ng 3 days.

Magbasa pa
6y ago

Big help to sis. Thank you sa pagsagot

ok naman po yun. my mom is a registered midwife and ang dami na nya pina anak. sa bahay pa halos kaso ngayon bawal na.kung wala naman po complication ung pregnancy mo safe naman po sa lying in. and nung ako nanganak sa hospital, fully dilated nako wala pa OB ko midwife na dapat magpapaanak sakin pero dumating OB ko kaya sya pa din.

Magbasa pa
6y ago

Thank you so much!