16 weeks (worry if covid positive)

Hi mga mommies, 16 weeks. Ask ko lang, may ubo at sipon kasi ako, tas nawalan ako panlasa ngayon at pang amoy. Ayaw nila ako ipa antigen pero ako worry ako samin ng magging baby ko. Ask ko lang pag ba nag covid positive at mild sintomas wala naman binibigay si OB na gamot o vitamins? Kasi natatakot ako baka positive ako sa covid tapos hndi ako nakakainom ng mga dapat ibigay sakin pero ngayon po my mga vitamins ako pang buntis at vit c. Salamat. Sana po masagot

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

not sure kung covid din ung akin last month. halos 2 weeks hindi maganda pkiramdam ko due to ubo at sipon ung lagnat ko nun 2days lang. medyo mapakla rin pang lasa ko. niresetahan ako ng ob ko ng paracetamol,vit c, pagpatunaw ng plema at antibiotic.. nung naubos ko na antibiotic at pangpatunaw ng plema at nung nahilot ako omokey pakiramdam ko. gumaan.. pinagsisihan ko lang nuon hindi agad ako nagpa check up. kaya tumagal ng 2 linggo. nkktakot ksi kapag matagal na may lagnat ubo at sipon ang buntis. maapektuhan ang baby pweding magka pneumonia. that time 30 weeks ako. sobrang hirap umobo masakit sa mga ligament sa tyan. currently 36weeks nko at balik na sa normal pkiramdam ko. waiting na manganak at praying kapag newborn screening ni baby okay naman sya.. na walang effect ung trangkaso ko nuon at pag inom ng mga gamot. praying for all pregnant woman na may dinaramdam ngayon sana maging okay narin pkiramdam nyo kasi napakahirap tlga ng may sakit kapag buntis

Magbasa pa

Ganyan din ngyari sakin last august 19 ..hindi ako pregnant pero kakapanganak ko lang..august 19 nilagnat ako,1day lang tapos nawala na.pumalit nmn ang sipon,pagkatpos ubo,hndi nmn malala ..tapos bigla ng nawala panlasa ko ksabay nawala ng pang amoy ko..nkaka stress sobra.iniisp ko bka covid n ito,hirap magana nman ako kumain kht wala panlasa,sumunod n asawa ko n magkasakit,my 3 kming anak lagi ako naka mask s loob ng bahay s takot n bka mahawa sila,dami kong iniinom n gmot pang sipon pang ubo,vitamins kung anek anek ininom ko,nagsuob dn ako .ung tubig ko laging may halong lemon.tapos uminom dn ako kalamansi juice with snowbear. Matagal dn bago bumalik ung panlasa ko unti unti pati pang amoy hndi dn totally bumalik agad.mas takot ako magpa chek up ksi paglabas baka abo nako..mas ok ung s bhy lng quarantine at tyagain ang suob mayat maya godbless

Magbasa pa

Had covid po last year, no sense of smell and ubo po yung symptoms ko.. Continue Prenatal vitamins lang po sinabi ng OB ko and 1000mg of Vit. C with zinc.. And nirestahan din po ako ng OB ko ng med para mawala po yung contraction ko.. Kasi everytime po umuubo ako nag cocontract po kasi. Suob, ginger tea with lemon and lots of fruits and a lot of water din po.. And after 14days of quarantine and when you feel better na po as much as possible magpa check up po kayo kasi isa po so worry nang OB ko nuon is yung flow nag blood papunta kay baby kasi yun daw po effect ni covid.. Pagaling po kayo. Wag po mag worry masyado para Di maapektuhan si baby.. Keep safe and God bless po

Magbasa pa

Wala naman binigay si OB noon na gamot. pero yung OB nung kaibigan ko nagreseta ng gamot kasi yung ubo ko grabe. Umabot na sa point na wala na akong boses. Ganon kalala yung ubo. Tuloy tuloy mo lang po mommy yung vitamins mo. Lalo yung vitamin C if may reseta si OB. Wag ka lang po masyado pastress. Kain lang ng kain kahit walang panlasa at pang-amoy. Palakas ka po katawan for baby. 10 weeks ako nagcovid positive, 15 weeks na ako now and sabi naman ni OB maganda naman daw heartbeat ni baby. Praying na walang ibang effects kay baby 🙏

Magbasa pa

same sa akin mommy nung 14weeks ako as in nawala lahat sa akin pero hindi po ako nagpacheck up wala rin ako ininom na kahit anung gamot mommy ang ginwa ko lang is nagsuob 3x a day lagang luya un ang silbi kong tubig gargle ng maligamgam na tubig na my asin and ung multivimins na bigay sa akin ni ob ko daily sa awa ng diyos po gumaling po ako in 2weeks bago po balik ko sa follow up check up ko.. home remedy ka nalang po mommy mahirap kasi magtake ng med lalo na my baby tayo sa loob ng tummy natin!! sana makatulonh

Magbasa pa

Same tayo 16 weeks clogged nose meron ako and may panlasa naman and pang amoy naman pero hindi siya ganun ka selan unlike 1st weeks ko . I drink warm calamansi juice po and nag suob po ako . Mahirap din po kasi sa Covid facilities hindi ka maasikasa ng ayos dahil bawal bantay. Better boost immune system nalang po. Pag pray nalang natin ang mga babies natin. Same po worried din ako for my baby.

Magbasa pa

Been there po nung buntis pa, walang panlasa at pang amoy dahil sa baradong ilong. Normal sa buntis yung sipon at ubo dahil sa pagbabago ng hormones. Akala ko may covid ako non pero wala, uminom lang ako ng biogesic non eh tapos water therapy tiyaka vicks inhaler. Then nung nanganak, sa hospital na din ako sinwab and thanks kay G na negative. Goodluck po

Magbasa pa

Nagkacovid ako 5months naubo ako due to makati lalamunan ko hindi naman ako, sinipon at nilagnat sabi ng OB ko wala naman affect kay bb aslong hindi naman malala pero wag na, daw ako magpapa2nd covid ulit i mean magdouble ingat na ako after nong 1st covid ko. Nanganak na ako ngayon ok naman bb ko

same mami. barado ilong ko at ayaw lumabas ng sipon tapos paubo ubo lang ako. di naman ako pala labas ng bahay diko alam saan ko nakuha. nag suob, lemon juice at kalamansi juice tapos vitamin c nag take nako. ngayon okay nako. pahinga lang din at more water

3y ago

ginagawa ng partner ko lemon juice na may luya.

Ganyan din po nangyari sakin last july halos 3weeks pabalik balik lagnat tapos may ubo at sipon. Nagsuob ako tuwing gabi at uminom ng honey with kalamansi umaga at gabi. 1 wk ko po ginawa yun at naging ok nko

3y ago

Gurgle din lagi ng maligamgam na tubig na may asin