Wag ka ma-stress mommy, ako nag-positive sa RT-PCR nung August 10 lang. Double dose ng Vitamin-C, Folic Acid at Biogesic lang ang pinainom saken ni OB. Daily akong nag-aupdate ng temperature at oxygen level sa kanya. Take more fluids at fruits. Pahinga at tulog ang kailangan. Kusa naman po namamatay ang virus, basta importante bawal ma-stress at palakasin ang katawan.
14 weeks na po ako now, nakapag-pacheck up na din at sa awa ni Lord ay okay na okay c baby, ang lakas ng heartbeat nya. Nabigyan na din kami ng clearance ng health department. Nag-positive po kami lahat sa bahay namin. Recovered na din po kami lahat. Ubo at sipon, mainit na pakiramdam pero walang lagnat, yan po mga symptoms namin. ππ
Kaya mo yan mommy, pray lang at kausapin c baby palagi. π
Magbasa pa