food

Mga mommies 1 yr and 4 mos si lo. Laging kanin lang ang kinakain nya pag meal time tinatapon nya pag may ulam. Okay lng ba na lagi lang sya rice ng rice. Nagwoworry kasi ako na baka paglaki nya d sya kumain ng gulay 😒

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Baka po kulang yung nutrition na nakukuha nya kung puro kanin lang. Try other ways of feeding them veggies/meat, minsan po sa akin, nilalagay ko sa ilalim ng kanin yung sobrang liit na slices ng gulay para di nya mahalata. That, tsaka maraming sabaw kasi yun ang favorite nya. Pwede rin po kayo magtry ng iba ibang recipe online, nagustuhan po ng baby ko yung cauliflower fried rice tsaka cauliflower fritter. Pwede rin po tomato soup, pumpkin soup, etc. Tsaka po juice like tomato juice, carrot juice. Tsaka pasta/noodles na may mga sahog na gulay. Pwede nyo rin po itry na iba ibang shapes ng gulay pagkaslice baka magustuhan din nya.

Magbasa pa