Sa mga 33 weeks na dyan

Hello mga miiii. Sa mga team july dyan, ano na nararamdaman nyo? 😊

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

32 weeks ako..madalas manigas un tyan,sobrang laki parang puputok na,hirap na sa paghinga lalot nakahiga,still may time na makulit at magalaw si baby ,meron din times na bilang lang un galaw nya ..excited na ko makita at mahagkan ang baby uno ko,1st time mom hir..excited na kabado ..hehehe gudlak satin ..

Magbasa pa
2y ago

oo everytime na check up ko kay ob lahat ng nafefeel ko tinatanong at sinasabi ko sknya ..and normal daw un lalo na 3rd tri ..kaya mag workout at magkikilos daw .magwalking daw ..inumin un calcuim ..depende na lang if may discharge na lumabas sayo ask agad si ob ..pero kung wLa naman ..okay lang daw

masakit sa lower back, hirap makahanap ng komportableng pwesto ng tulog so mostly nakaupo ako nakakatulog, madalas na din parang sumisikip ang tyan ko, mas malakas na mga galaw ni baby, madalas na din ihi ng ihi. minsan hirap huminga at madali mapagod. since ftm ako kinakabahan na rin ako pero excited.

Magbasa pa
2y ago

same here. ftm nakakakaba at nakakaexcite.

nahihirapan na bumangon, at masakit na ngalay ang pwet, panay tigas ng tyan pero di naman masakit, pero nakakaramdam na ng braxton hicks.. nagpacheck up ako, sabi ni doc by june 26 manganganak na daw ako, pero EDD ko is July 13 pa.. alin ba ang tama mga mi.

2y ago

super uncomfortable na po. wala na po akong maayus na tulog. diko Alam anung position ko sa pagtulog. mabilis na ding mapagod yung tipong sa Cr lang ako pupunta masakit na agad binti ko.

Madalas na yung paninigas ng tyan. pero ngayon sobrang likot pa rin ni baby. ramdam ko paikot ikot, lalo nakabreech pa siya last ultrasound ko. sobra nakakapagod na rin kumilos. hindi ko tuloy magawang maglakad lakad ang bilis mapagod at hingalin.

di na kayang maglakad tumayo ng matagal. Hinahapo. Hirap huminga. Sinisikmura. Sumasakit puson. Likod. Ihi ng Ihi. Di makatulog ng maayos. Less movement si baby. Bigat na bigat sa katawan. Ewan lahat na yata ng masakit.

2y ago

kkapa ultrasound ko lang last week mi ok naman sya. Baka nasisikipan lang talaga sya. nag mmove naman sya pag hinihimas. kaya lang bumubukol nalang di gaya dati na sipang sipa talaga

hirap huminga nalo na sa left side , hirap maghanap ng tamang pwesto sa pagtulog, lagi na lang naiihi nalo na sa gabi, mas lalong tumakaw sa pagkain, namamanas kahit galaw ng galaw at mas lalong naging antukin.

antukin, panay ang wiwi sa madaling araw, parang bumalik yung pagkapihikan ko ng food like nung nasa 1st tri pa ako, minsan sumasakit ang groin, pem2x or pigue na area, at madali na rin akong hingalin.😁

Super likot ni Babyyyy... Sa lahat ata ng side ramdam ko siya.. Ang bilis ko na rin mapagod. di ko na rin kaya tumayo ng matagall.. Mabilis din akong hingalin kapag naglalakad...

Super likot pa rin ni baby. 😁 Ako naman minsan hirap bumangon sa kama at minsan din masakit na balakang. Lagi ring mainit ang pakiramdam. 😅

2y ago

Minsan pati sa paglakad miii sumasakit pwerta pero minsan lang naman.

nakakakaba dahil sa likot ni baby baka mag breech pa kaya need nanaman mag pa ultrasound sa ika 33weeks namin 32 weeks na kami ni baby