Evening Primrose

Hi mga mii 👋😊 Niresetahan kasi ako ni OB ng ganto para daw po madaling mag ripen ang cervix ko at maglabor na daw po ako. 37 weeks & 5 days na po ako sa 2nd baby ko at mataas pa daw po ang matres ko based sa I.E saken ni Doc kahapon. Kumusta po ang mga mommies na nakapagtry magtake ng ganyan? Mabilis po ba ang progress? I mean naglabor na po ba kayo agad? Ganun? Medyo natatakot po ako na hindi ko maintindihan 😅

Evening Primrose
8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

37 weeks and 6 days ako today mii, niresetahan din nyan same brand. first baby ko naman closed cervix parin. pang 5th ko na mamaya mag-insert, wala pa naman akong napansin na kakaiba no signs of labor parin. pero sinunod ko lang din si OB. nga pla, if 1st time mo rin magiinsert nyan tip ko lang basain mo muna ng tubig before mo insert para di masakit.

Magbasa pa
2y ago

31 pesos po each sa mercury, sabihin lang po evening primrose. 😊

Hello, share ko lang. 2 days ako pinapasakan ng primerose sa pwerta dahil 40 weeks na ko di pa din bumubuka cervix ko. after 2 days ng pasakan na CS pa din ako dahil ayaw niya talaga bumukas. Buti na lang ka birthday niya si mama mary ❤️❤️❤️

1 week na ako umiinom niyan at nag iinsert sa Vajayjay ko kaso wala padin hehe 2nd Pregnancy ko na to 38 weeks na tom.. Pero nung na IE ako malambot na cervix ko, feeling ko mas nakatulog ung pinyang hinog mas mag ripen ang cervix..

ako 37W6days Na today May Amoy na regla yung panty liner Na may Yellow Masakit ang puson at balakang ,lakad² lang palagi ako para mababa At iinum ng pine apple juice ,sana makaraos na tayung lahat.Godbless😇

Ako 37weeks and 2days na today. Binigyan din ako ng ob ko for 1week. 1cm na ako kahapon. Saaken iniinom lang din 3x a day sya sana makaraos na tayong lahat. Godbless 😇

naghihilab lang sya mii pero di tuloy tuloy😢😢 open cervix na din ako same tayo 37 weeks and 5 days 2nd baby ko din

2y ago

nanganak na ako gabi lang nangyari🤣

pwde ba ako bumili nyan kahit walang ipapakitang reseta?

2y ago

Ako po sa Ob ko mismo nakabili 25 pesos isa. Pero last time sa generica 22 pesos lang.

take ka nyan, TAs alay lakad ka 😂 para matagtag ka ,