Timbang ni baby

Mga mii, nakaka pressure pala mag pa laki ng anak kapag may kasama kang matanda sa bahay. Ang baby ko po kasi simula ng pinanganak ko sya 1 kilo ng 1kilo ang dinadagdag ng timbang nya every visit namin sa center para mag pa vaccine. Tapos lately lang palaging sinnasabi ng biyanan ko na parang pumapayat daw ang anak ko, napapraning tuloy ako pakiramdam ko napapabayaan ko na si baby. Kanina galing kami sa center para sa family planning, pina timbang ko doon si baby at wala pang isang kilo ang binigat nya. Mag five mos na pos baby ko this coming December 1.7kilo sya nung huling visit namin sa center for her vaccine at ngayon naman 7.5kilo. May nabasa naman ako na kapag dumating na ng 3 mos ang mga baby medyo bumabagal na ang pag dagdag ng timbang nila. Paano ko ba ipapaliwanag sa biyanan ko yan sa hindi nakaka hiya na way. Medyo pinagkakalat nya kasi sa mga kapit bahay na pumapayat daw ang apo nya which is hindi ko po nagugustuhan kasi parang sinasabi nya na napapa bayaan ko sa pag dede ang anak ko. Ano po ang say nyo about dito mga mommy? Napapabayaan ko po ba talaga ang baby ko o praning lang kami ng byenan ko? Pls be kind po sa comment. FTM po ako

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Ito talaga ang problema kapag kasama mo ang INLAW mo sa iisang bahay, puro puna sa hindi magaganda lagi. Wala kang magagawa sa MIL mo, kahit paliwanagan mo siya. Been there, done that. Kasi kahit ako ever since 5 months anak ko gusto niya ipa-mix feed dahil mapayat DAW, hanggang sa nag 1 yr anak ko sinabihan nila na malnourish kahit sabi ng Pedia every check-up (na hindi naman sila kasama) normal weight ang anak. Ayun nagaway kami kasi nakakarindi na sila at sobra na yung salita nila na malnourish. So ang mapapayo ko sayo, magpabukod ka sa asawa mo. Kung hindi kaya, smile ka na lang sa MIL, tapos pasok sa kabilang tenga at labas sakabila lahat ng mga sasabihin niya. 7.5 at 5 months, almost pang 1 year old na ang weight niya. Kasi sabi ng Pedia namin nung 5 months anak ko at 8kg, pang 1 year old na ang timbang.

Magbasa pa
2y ago

Nakaka-stress talaga kung pakikinggan mo lahat ng comment sa paligid mo, kung worried ka talaga sa weight niya magpacheck kayo sa Pedia. Anak ko now is 1y 9m. Kumakain 3 times a day at snacks, tapos nadede pa. Pero hindi na siya naka-alis sa 8kg+. Sabi ng Pedia okay lang yung weight niya walang dapat ipagworry dahil yung over all physical health niya ay maayos, like shiny daw ang hair, kumakain, dumedede etc. Tapos tinanong ko Pedia kung anak ko lang ba ang ganito, wag daw ako mag worry dahil hindi raw nagiisa anak ko marami daw, common na daw, and considered normal. Since nakikita rin ng Pedia ni baby na hindi ako mataba, natanong niya kung ganito na daw ako eversince. Sabi ko simula pagkabata kako hindi ako mataba, sabi ng Pedia walang duda daw nagmana sakin, kaya no need to worry. Tsaka sabi ng Pedia mas nakakatakot daw ang mataba or obese na, dahil nagiging sakitin din daw at kapag nagkasakit ng sobra yung need i-admit at i-IV, nahihirapan daw ang mga staff hanapin ang ugat dah