Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mother of 1 baby girl
Timbang ni baby
Mga mii, nakaka pressure pala mag pa laki ng anak kapag may kasama kang matanda sa bahay. Ang baby ko po kasi simula ng pinanganak ko sya 1 kilo ng 1kilo ang dinadagdag ng timbang nya every visit namin sa center para mag pa vaccine. Tapos lately lang palaging sinnasabi ng biyanan ko na parang pumapayat daw ang anak ko, napapraning tuloy ako pakiramdam ko napapabayaan ko na si baby. Kanina galing kami sa center para sa family planning, pina timbang ko doon si baby at wala pang isang kilo ang binigat nya. Mag five mos na pos baby ko this coming December 1.7kilo sya nung huling visit namin sa center for her vaccine at ngayon naman 7.5kilo. May nabasa naman ako na kapag dumating na ng 3 mos ang mga baby medyo bumabagal na ang pag dagdag ng timbang nila. Paano ko ba ipapaliwanag sa biyanan ko yan sa hindi nakaka hiya na way. Medyo pinagkakalat nya kasi sa mga kapit bahay na pumapayat daw ang apo nya which is hindi ko po nagugustuhan kasi parang sinasabi nya na napapa bayaan ko sa pag dede ang anak ko. Ano po ang say nyo about dito mga mommy? Napapabayaan ko po ba talaga ang baby ko o praning lang kami ng byenan ko? Pls be kind po sa comment. FTM po ako
2months old baby sumusika after dumede
Hello po mga mommies. Tanong ko lang po sa inyo kung normal ba na mag suka ang baby after dumede? Pinabakinahan po namin sya kahapon sa center tapos nag suka na sya ngayong araw dalawang beses na. May sinat sya kahapon pero nawala din naman pagka painom ng gamot. Natatakot lang po ako baka ma dehydrate si baby kasi nakaka dalawang suka na sya.😟