Every month may ubo at sipon si baby

Hello mga mii, ftm here ng turning 7 months na baby. Naloloka na ako kasi every month may ubo at sipon si baby. Every month nadin napapacheck up kay pedia and last check up nya niresetahan na sya ng Iron kasi recurrent na yung ubo at sipon nya. Nag antibiotic nadin sya last month, ngayung buwan meron na naman sya ubo at sipon 😒 sino may same case na ganito ang baby nila at ano po ginawa nyo? Need ko po advice nyo.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi mi, same sa baby ko pero po sya po talaga mula nag 1mo si baby until 6mos lagi sya sa pedia. naconfine pa sya nung 3mos because of acute URI, monthly po sya nagkakasakit iba-ibang sakit kahit po naka-vitamins sya. lalo pag malapit na date ng kapanganakan nya nasa pedia kami minsan maiiyak na lang ako sa gastos. nagpa-flu vax kami nung 6mos nya, pero may kasabihan kasi ang matatanda sa amin hinahanap na daw po ang name, pinabinyagan ko po last dec. thank God hindi na po sya nagkasakit uli.

Magbasa pa
2y ago

ganyan na ganyan po baby ko mi, kaya lagi ako kinakabahan pag parating na date ng kapanganakan nya nagkakasakit sya. kasabihan po kasi ng matatanda dito sa province kasi pag ganun daw po hinahanap na name nya. thank God po ngayon hindi na nagkasakit si baby hehe