For mother in law

hello mga mii, Dito parin kami kami nakatira sabahay ng asawa ko bali me kwarto naman kami kaso parang wala naman kaming privacy dahil nga sa laging naka open yung pinto. Tapos itong byenan ko okay naman sya mabait ganun kaso nga lang may mga movement sya na nakakainis or di sya marunong makiramdam. Kagaya ng dito lagi nakatambay sa kwarto to namin wala naman ginagawa , dun na din nakahiga sa may dulo ng higaan ( wala kaming kama ) na nakakailang na kasi na bakit sya nanjan. kinausap ko naman na dito sya sa higaan ayaw nya dun kang daw sya . Tapos kakatulog lang ng baby ko gusto nya kunin kasi gusto daw makita ng kamang anak keneme daw . ii kakatulog nga lang ii. hirap pa naman mag patulog ulit tapos ibabalik kasi si baby kong di gising nag mamaoy na sya maya maya kasi di na nakatulog. Tapos sa hating gabi nagigising si baby sutsutan agad yung mga tao sa bahay, kaya nakakapanic na yung feeling kasi umiiyak nga syempree ako dali dali palitan ng diaper at padedehin wala pang 30mins sakin yung bata kukunin na nya agad tapos nakakailang dun nasa kanya na nga si baby silip sya ng silip sa kwarto kaya di din ako humihiga agad tapos kukunin ko ayaw naman ibigay tapos minsan issuggest nya na timplahan daw ii ilang beses na sayang yung timplang gatas kasi ayaw nga ni baby yun. sobrang na iilang na ako minsan naiinis. di ko talaga alam gagawin ko or pwede kong sabihin. paadvice naman mga mii. First time mom din po ako. Thank you po . pasensya na din . wala kasi akong masabihan ii

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

dun kna lng muna mhie sa family side mo para makapagpahinga ka ng maayos. ganyan talaga mil pakialamera at sila palagi tama..pag tulog na yung baby pakiLOCK yung pinto o d kaya lagyan mo ng signage DO NOT DISTURD BABY IS SLEEPING. basta mi ilock mo palagi ung pinto o isarado mo para makagalaw ka ng maayos kesa nmn nakabukas parang minomonitor/CCTV lahat ng galaw mo. saka sabihan no din si mil mo na time to time isasarado mo na ung pinto para matulog ng maayos si baby mo. saka nakakaapekto po sa development ng baby pag deprive sa tulog. at magbukod na din po kayo ng asawa mo para stress free kna.

Magbasa pa
11mo ago

nag sabi na din ako sa asawa ko na bumukod kasi sabi nya kang tsaka na muna . kaya uwi ako ng uwi samin dahil sa ayaw nga nya bumukod nagagalit naman kasi uwi daw ako ng uwi