36 weeks 6 days

Hello mga mii ask kolang po kelan kaya ako pwd magpasched ng CS? pangatlong CS ko na po ito and sa mga nauna kong anak puro ECS ako kaya hnd ko alam kelan pwede or pwede bang ako magdecide kung kelan ako bibiyakin tutal cs naman dn .. last 2 weeks ako po kase 2.8kg na po si baby ko sabi ng OB ko 34 weeks ako nun mahigit . ngaun baka 3kls na sya hnd papo kaya un safe na ilabas sya? hirap na hirap napo kase ako at sobrang laki na ng tyan ko d na ako makakilos masakit na ang kiffy ko di na makatagal umupo o humiga pti tumayo . madalas din sumasakit batok at nahihilo aq. madalas dn po ako makaramdam ng paninigas ng tyan at sakit ng puson. araw araw dn po ang white discharge ko at may araw na madami talaga meron naman time na pahid pahid lang. Public hospital po kc ako manganganak sabi nila parang Doctor daw mismo dun ang magsasabi kelan pwede ischedule for cs . kaso ung OB po kc sa public hospital hnd naman ako Ina IE baka open cervix na pla ako wala pa sya idea dko naman masuggest kase baka pagalitan ako 😫 btw ung panganay kopo is 4.6kls nung nilabas ko 38 weeks un ECS check up lang sana pero open cervix na kaya dna pinauwi. ung 2nd born ko naman Twins 34 weeks and 3 days lang sila check up lang dn sana kaso open cervix nadin kaya direcho admit na.. ngayon naman po madami nako nararamdaman and bukas balik ko sa check up ko dko alam kung pwede ba ako mgsabi na magpapschedule na ako or aantayin pa kaya na maglabor ako kht CS naman ako twice? sana po may makasagot thankyou

36 weeks 6 days
15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi ma. Ecs po ako nung May 2,2024. Pagkakatanda ko 35 weeks ako nun nung sinabi sakin kung kelan ung scheduled cs ko. Wala pa nga akong 35weeks nung nag ask aq sa ob, sabi nya pagka 35weeks ko daw malalaman. Ichecheck den kc nila kung may pasok cla sa date na ioofer sau. Between 38weeks mo hanggang ika 40weeks mo, ung pwede ka i cs, mgbibigay cla ng available date nila tapos kaw ung mamimili kung anong date. Sakin noon pinapili ako kung april 29 o may 2.pinili ko may 2,para tuwing a dos may sahod na hahah. Better kung mag ask kna sa ob mo po. Repeat CS po ako, sa PGH nanganak.

Magbasa pa
5mo ago

Hi ma, wala po kaming binayaran ma nung pagkapanganak ko. Ung mga pa ultrasound ultrasound lng kada checkup po.

ako mi kkpanganak ko lang nung july 25, 37weeks fullterm n daw un sbi ng perinat ob ko, sched cs ako dpat ng july 27 tas last check up ko ng 25 ini E ako open cervix n pla ako mdalas n kc manigas tyan ko sbi ko sa ob ko kya ini E nia ko agad un pla 1cm nako nun. hndi ako pwede magnormal delivery highrisk na kc... kya pumunta k sa ob mo at sbhin mo mga nraramdaman mo bka open ndin cervix mo hndi mo kelangan maglabor kung iccs k din nman.

Magbasa pa

considered high risk na po kayo. yung CS scar po ba ninyo napa check na if manipis or makapal ba? kasi yung Sis in law ko po scheduled CS at 37-38 weeks ata yun kasi manipis lang yung scar niya at delikado pag abotan pa siya ng labor baka daw pumutok yung tahi or uterus niya.

37 weeks po usually nag start mag IE kung wala po kayong nararamdaman contractions. But since parang ang dami nyo na ping nararamdaman sapat po sinasabi nyo kay OB para aware sya. 37 weeks po ang earliest safest na pwede mag deliver ng baby.

wag po kayo mahiyang magtanong. d bale na mapagalitan kesa magsisi ka. Minsan kasi sa public hospitals, d ka agad nila matandaan sa dami ba naman patients. Usually pag puro CS ka na, scheduled na iyan. No need na hintayin maglabor.

mi, hindi ka ba pinapa NST sa hospital. don kase makikita if may contractions kna. pag meron na ina IE na nla yan. and pagbalik mo chevkup sbhin mo na lahat ng nararamdaman mo na nahihirapan at panay na tigas tyan mo para i Ie kna nila

ako po ay nka sched ng cs sa 39weeks cs dn ako sa first ko ang sabi ng ob safe nman daw e cs ang 37weeks kz full term na sya pero kung kya pa nman at d nag lalabor ay mas mganda 39weeks

hi mi. wait ka po until 37weeks. yun po yung safe na ilabas si baby. pero wag ka po matakot magsabi ng nararamdaman sa OB mo para aware po sya at malaman nya ang gagawin.

pag 37weeks nayan miee fully na..kausapin nio na po si OB bout sa mga nararamdaman nio..btw cs dn po ako..last yr.nanganak ako 36 n 3days lang si lo..

37 weeks safe na pong lumabas si babu dahil considered full term na siya nun. praying for your safe delivery.🙏🙏