Single Mom

Mga Mii, ask ko lang po, Meron po ba dito iniwan ng Ama ni baby habang buntis tapos gusto pa bumalik ulit after nyo manganak? Tinanggap nyo po ba ulit sya after nya kayong iwan mag ina or hindi na? Iniwan Po nya kasi kami ni baby habang buntis ako ang reason ay cheating Po, tapos nailabas ko na po si bb(1yr old na ngayon) at gusto daw po nyang makasama anak nya pero nag bibigay naman po sya ng sustento ever since naghiwalay kami.. di lang po nya ako tinulungan sa hospital bills dahil sa panahon nag bubuntis po ako di po nya ako in-contact kahit na isang beses, nag papakasarap po sila ng babae nya.. Yung babae, tatay at tita ng lalaki alam na buntis ako pero in block po nila ako sa social media account nila, kahit di ko naman po sila kinakausap.. Ngayon mga momsh gusto bumalik ng tatay ni baby.. kung ako lang Po, Ayaw ko na po sana kasi kaya naman Po namin ni bb kahit wala sya.. pero iniisip ko si bb Yung future nya.. Kaya di po ako maka pag decide... 🥲

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mi kung ako lang po, hindi ko na po yan papayagan bumalik. Enough is enough, marami akong kilalang taong walang ama pero lumaki namang maayos at masaya, mahalin mo na lang ang anak mo, your love is more than enough, kesa makilala nya yung tatay nyang "cheater". Lalaki yung bata knowing na niloko ng tatay nya ang nanay nya which is malaking impact rin sa bata kung tutuusin. Yes, magiging whole kayo as a family, pero magiging masaya pa ba kayo? Yung environment ng bata is also priority mi, kung mag-sasama kayo tapos panay lang kayo away, do you think that would help your child? Di ba mi? Pero sa akin lang rin naman, nasa sayo pa rin naman ang decision since, ikaw lang talaga nakakaintindi ng sitwasyon mo.

Magbasa pa